Monday, January 5, 2009

First Day: Maniwala sa Sabi-Sabi

SABI ng horoscope, e ang mga pinanganak ng year of the OX ay dapat pumasok sa unang araw ng 2009. Na-realize kong meron akong dapat kunin sa opisina. Kaya pumasok na rin ako, medyo late nga lang. INFERNESS, di masyado traffic. kakagulat.

SABI ng iba, e di raw ako nagsusuot ng mga nireregelo sakin sa Pasko. Hindi totoo yan. For example, look at my new barong. Sinuot ko kanina. In summary, bigyan nyo pa rin ako ng gifts sa Pasko dahil talagang ginagamit ko haha.



SABI ng mga nakakatanda, e hindi daw OK magbigay ng regalong may buhay. So nagulat ako sa bagong regalo sa opisina ko - Poinsettia. Naisip ko kaagad, astig! Maisip mo bang mag-regalo ng halaman sa Pasko. Kaso, mga dalawang linggo na sya sa opisina kong nakakulong.



SABI ng Nanay ko e kaya nya raw buhayin ko. Hmmm... medyo mainit sa bahay namin. Pero sige inuwi ko na rin. Sana nga mabuhay ang halaman at umabot hanggang Paskong 2009.

SABI ni Ditse ay 45,000 daw ang sapatos ko. Haha. Ang totoo, malapit na sa kasalanan ang dami ng bagong sapatos na nabili ko ng 2008. Kasi, good investment ang magandang sapatos. Puwedeng tumagal ng 5-10 taon. At saka nakakabawas ng chances ng rayuma Hehe. Pero, hindi po totoong iyon ang halaga ng sapatos tulad ng pinagkakalat ni Ate Yet. Sana nga totoo.


SABI ni Karen, dapat bago ang damit, gamit at sapatos sa First day of School. Kaso, di naman bagay ang aking di-45,000 shoes sa bago kong Barong. Saka, naisuot ko na yun nung isang beses nung Jan 1, luma na yon. hehe.

Kayo, kumusta ang first 2009 day nyo sa School, sa Office, o sa Trabaho? sa Tindahan? sa DayCare? sa Barko? sa Lab? sa Shop? sa Farm? Sa Tutoran? Sa Condo? o sa Dialysis? sa Kumbento? sa Casa? sa Hospital? sa Saklaan? sa Hotel? Sa Labahan? baka may nalimutan ako magtampo... sa Paggalit sa mga bata sa Santan?

1 comment:

Anonymous said...

my first day here sa ofc...ang mga ginawa ko:
1. nagcheck ng mga emails.
2. nagreply sa mga emails.
3. at nag-online training lang... (la pa kc ako ginagawa masyado sa ofc...hehehe)
4. nggrit ng hapi new yr sa mga kaofc mate...hehehe