Thursday, January 8, 2009

ANO ANG BAGO SA BLOG?

Habang nagbabasa kayo ng blog malamang iniisip nyo:
- Ano bang paki ko sa mga kapitbahay mong nag-vi-videoke
- O sa masarap na kinakainan mo e di mo naman kami niyaya

Oo nga naman.

Puwes, sa ating bagong blog e puwede ka na talagang MEGA-TAMBAY. Kung umabot ka dito, e malamang umaandar na ang SLIDESHOW. Ito ang pagpapakita ng automatic ng Part 1 ng mga pictures na nalagay sa ating Blogsite nung 2008. Mga 6 na minuto tatakbo ang show so pwede kang...

Mag-relax, magkape, o kaya paandarin ang Video Pick of the Week (by Kuya Kevin) habang nanunuod. Sariwain ang mga matatamis, maaasim (kung natalo ka), o mapapait (hindi ko na sasabihin kung aling Parol) na ala-ala ng 2008.

Kung ikaw ay mainipin, e puwede mo ring sariling paandarin ang mga pics. Itapat ang cursor sa slide show at malalaman mo na ang sinasabi ko. Puwede ring paandarin o paatrasin ang mga larawan.

O kay naman, para maaliw puwede nyo ring panuorin ang paboritong Commercial ni Ate Ia.

Hanggang Linggo lang po iyan. Ibang mga larawan na ang tatakbo sa Lunes. Enjoy!

No comments: