Sunday, January 4, 2009

2008 PB Blog - Top 10 Pics

#10) (Nov 08). Maliban sa Pasko, Bagong Taon at Outing, ang bowling tournament natin lang ang fixed na pagkikita-kita ng PB. Ang picture ay nagpapa-alala sa kakaibang tournament ng 2008: ang pinaka organized, ang may pinaka magandang premyo, pinakamatipid (libre e) at pinakamagandang tarp...at ang sarap ng mga Ngiti ng Champion.



#9) (Sep 08). Parang sobra talagang sarap mag-swimming pag summer. Taas na mga kamay, taas pa pati paa.


#8) (Dec 08). Ang nakamamatay na dumadagundong 'Pila Performance' ni Kuya Jorge. Na halos ikabaliw ng audience. Pati nga si Tita Edith napa-gaya pa.

Isa pang kamangha-mangha dito ay dumadami na ang natutunan niyang dance steps (may pump, pa-sexy at ang silya dance with Par). Kabahan na kayo sa mga bago pa niyang steps sa dadating na Pasko.



#7) (April 08). Ito ang perfect picture para sa Album, o sa Fund-raising program ng mga madre o kaya sa Introduction ng telenovela (pag naging pelikula buhay natin) o kaya sa video habang tumutugtog ang "Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita..."


#6) (Oct 08) Ang ganda kasi ng kulay. At saka maalala mo kasi ang kakaibang performance ng 1G sa napaka-bonggang okasyon. At saka, bago ito, kelan nga ba ang last performance nila together? ... Exactly! Di na natin maalala. So a reminder na marami pa silang ibubuga. Lalo na si Ditse, siya nga lang nakatingin sa camera e.


Ang PB Blog 2008 Top 5 Pics...Abangan.

2 comments:

ayo said...

oo nga, astig ng mga pictures.. ang saya-saya. hehe... kelan nga ba ulit ang susunod na "get togeder"?

Anonymous said...

sana more than one ung outing ng PB ds yr...hehehe...kelan ang PB outing?

sana dn magkaruon pa ng ibang tournament ang PB lyk bowling. pde badminton or gawin twice a yr ung bowling tournament.hehehe...

and sana paminsan minsan lumabas/gumimik nman ulit tyo mga magpipinsan lyk sabi nga ni raprap.