Friday, January 2, 2009

Pa-buwenas sa Bagong Taon

Ate Rose: Grabe Edith, sobrang dami mo namang pina-raffle
Ate Edith: Natuwa ako e!

Haha. OK pala talaga pag natutuwa si Ate Edith. Umulan ng raffle prizes nung New Year. Naalala talaga ng marami si Tiyong, na malamang excited sa Raffle. Sana magpagaling siya ng mabuti. Dahil parang maganda talaga ang pasok ng bagong Taon.

Pakinggan natin ang mga reaksiyon ng mga big winners sa raffle kahapon:

KAREN

Ako po'y na-shock sa napanalunan ko.
Napaka-plastic po ng reaksyon ni Ate Karen.

LOLA MAAM

Di ako makapaniwala na 4 digits. Halos sambahin ko ang perang napanalunan ko.


Abangan natin ang reaksyon ng iba pang winners.


Pa-perya Raffle ni Tito Jorge at Tito Egay.

Nagpa-uso si Tito Jorge ng Major Raffle - lahat ay kasali at mamahalin talaga ang premyo. At ang dami pang puwedeng manalo. Iyon na nga lang meron kang taya - in summary, SUGAL po ito.

1st place winner: Tito Egay. Wala pong dayaan na naganap dahil kayo naman ang bumubunot ng mga pangalan.

Pagpalain ka Jorge sa pa-raffle mo! Next time me komisyon ka na sa premyo
ko!



2nd place winner: Camae.





'PILIIN ANG GUSTO MONG PREMYO' RAFFLE

Nagpa-imbento na naman ng si Tito Ido ng bagong pakulo. Di raw niya sigurado kung papatok ang kakaibang raffle. Pero OK naman pala. Next year, papalakihan na raw niya hehe.

6 na Premyong Puwedeng Mapanalunan



Eto ang reaksyon ng mga winners:

ATE YET - Grand Prize Winner


My feeling is fantastic. Manalo ka ba naman ng Px,xxx na may light blue at Ninoy with matching toiletry kit from Amsterdam. It's a great feeling winning the grand prize. Sana start of good things to come in 2009. Cheers!!!


TITA EYAN - 2nd Place Winner

Talaga? Wow. Ako po ang nanalo. Maraming salamat po.

SPECIAL PRIZE WINNER - LOLA MAAM

Tse!

Nanalo na nga masama pa looob. Kakulay naman nya napanalunan.

SPECIAL PRIZE WINNER - LOLIPOT

Di ako naniniwala na nabulot ang pangalan ko. Sinadya lang ni Ido na tawagin pangalan ko dahil walang-kuwenta ang premyo.

No comments: