Walang study o research na makakapagpatunay na mas maraming aksidente kapag Friday the 13th. Pero bakit at paano nga ba naging sikat ang Friday the 13th bilang malas o nakakatakot na araw?
- Walang evidence na mahanap tungkol dito before the 19th Century. Pero sinasabing ito ay combinasyon ng 2 sinasabing mga malas na araw
- Una, Friday ang araw ng kamatayan ni Kristo
- Pangalawa, ang number 12 ay pinaniniwalaang sumisimbolo sa "completeness" o pagkakabuo. Kaya nga raw 12 apostles, 12 ang oras sa relo, 12 ang zodiac signs etcetera etcetera. Tapos sa Last Supper, 13 ang tao sa lamesa, matapos nga nun kinuha na si Kristo para pahirapan. Kaya nga sa ibang lugar, bawal ang 13 ang tao sa isang mesa - dahil meron ngang isang mamamatay pag ganun
- Isa pang theory at may kinalaman sa labanan ng Knights Templar sa panahon ng mga crusades. Sa takot na lumalakas pa lalo ang kapangyarihan ng mga Knights Templar, pinadakip at pinapatay na sekreto ni King Philip lahat ng mga Knights Templar nung October 13, 1307. Eh, Friday nun, kaya Friday the 13th.
Hmmm, kung anuman ang paniniwala ninyo, igalang na lang natin ang sa iba. Basta ako, laging naniniwala kay Tito Jorge, kaya...para maiwasan ang malas
Ingat!
No comments:
Post a Comment