Saturday, November 14, 2009

Interview with KontraBida

Tito Ido:  How are you KB?

Kontra Bida:  OK naman, ikaw?

TI:  So, ano ba talaga ang problema mo?

KB:  Wala.  Ikaw anong problema mo?

TI:  What I mean is, ano bang problema mo sa Bingo?

KB:  Ah! Yun ba, di mo kasi nililinaw e.  Wala naman akong problema sa Bingo.  OK naman yon, masaya, lahat makakasali lalo na kung asa Home for the Aged ka at kung ang taon ngayon ay 1985.

TI:  Marami namang nag-Bi-Bingo na mga hindi Senior Citizen ah.

KB: Sige, saan?

TI:  Sa school, sa simbahan minsan.

KB:  Hahaha.  Pero ang point ko, wala na ba silang maisip maliban sa Bingo?  Walang creativity.  Bago naman at bata ang mga officers, bakit hindi makaisip ng bagong activity.

TI:  Hay naku, pagbigyan mo naman ang bagong officers, malay mo naman kung ibang klaseng Bingo ang gagawin nila.  Puwede, mag-pledge ka na?

KB:  Ay oo, nag-pledge na ko.  At pupunta talaga ako.  Eh ikaw nag-pledge ka na ba?  Teka pupunta ka ba?

TI:  Ah OK,  di nga ako pupunta hehe.

No comments: