Tito Ido: Hello Concerned Citizen. How are you?
Concerned Citizen: OK naman, pero meron akong concern.
Tito Ido: Bakit hindi ako surprised. So game, ano ang concern mo.
CC: Una, nalilito kasi si Misinterpret Queen and her friends sa mga dates e. HIndi na nila masundan ang mga important dates.
TI: Anong naiisip mo?
CC: Bakit kasi wala pang announcement ng mga final dates? At sana magpaskil na sila sa Santan, para maliwanagan si MQ.
TI: Ah OK,
Atribilo: Hoy Ido, meron akong question.
TI: Sandali lang CC ha, ano pong Question nyo tungkol sa Christmas, Atribilo?
Atribilo: Saan ba talaga gagawin?
TI: Ah sa bahay po nila Tita Edith, dun na po ang party.
Atribilo: Di yon ang sinasabi ko. Ang tanong ko e saan ba gagawin ang laban ni Pacquiao at Cotto?
TI: Ah sa Las Vegas po. Pero manunuod po si TIto Jorge at Tito Jim sa UP, sama po kayo?
Atribilo: (Bigla na lang umalis)
TI: Mabalik tayo sa usapan CC. Ano pang concerns mo?
CC: Concern ako na baka di alam sa Santan ang mga pledges.
TI: Ah, sila MQ na naman ba ito?
CC: Hay naku, ang dami ng kampon ni MQ ngayon. Di nila alam kung mag-do-donate ba para sa Bingo o para sa Pasko o para sa Ondoy.
TI: Bakit, naghahanap na ba ng lumang damit si MQ?
No comments:
Post a Comment