Saturday, November 14, 2009

Interview with Misinterpret Queen

Interviewer:  Misinterpret Queen, ready na po ba kayo sa Party

Misinterpret Queen:  Oo naman.  Saan nga ba tayo sa Dec 25?

I:  Ah, di po ba sa Dec 20 na ang celebration, kasabay ng birthday ni Par?

MQ:  Ha?  Ano, e hindi na sa 25 ang party?

I:  Di na po, sabay na nga po sa bday ni Par, isang beses na lang.

MQ:  So paano yon, sabay na ang Bingo sa Bday ni Par?

I:  Ah hindi po, yun pong Binggo sa Birthday ni Kevin.

MQ:  Bakit naman tatlong beses pa ang Pasko natin?

I:  Sa katunayan, 4 na beses po. 

MQ:  Ano?  Bakit 4?

I:  May bowling pa po, May Bingo, Tapos po yun ngang sa Dec 20, tapos yung Dec 25?

MQ:  Bakit di nilinaw yan nung meeting?

I:  Ay nilinaw po.  Nagpromise nga po kayo na mag-do-donate ng food para sa Christmas party?

MQ:  Ha?  Anong Christmas party?

Patay tayo dyan.

No comments: