Thursday, January 29, 2009

POSING DO's and DONT's Part 1

BABALA: Kung mahina ang sikmura mo o kaya ay sensitive ka, e please skip this post.
O ayan a, may warning ka na....
************************************
Marami talaga tayong matututunan sa mga lumang picture - kabutihang asal, pagpapahalaga sa pamilya, pagkakaisa at higit sa lahat: LAGING HANDA PAG KODAKAN na. Pero madalas, e kelangan pa nating masaktan bago matuto.

Eto ang mga examples. And welcome to our TULARAN at HUWAG TULARAN Series.

TULARAN #1.
Parang ang sarap ng kinakain nila di ba? Mapapa-burger burger ka talaga. Ang ibig sabihin e, hindi naman bawal magpa-picture habang kumakain. Dahil puwede mo 'tong gawing ASTIG.

HUWAG TULARAN #2.
Huuuy, huwag naman ganyan kalaki ang subo. Asa restaurant ka kaya. At wow, tumingin pa talaga siya sa camera! Gosh!

TULARAN #2
Kapag hindi ka naman sobra sobrang kaguwapuhan e ganito gawin mo: 1) siyempre lumayo ka sa camera ng maitago ang mga baku-bako 2) huwag ka munang huminga for 10 seconds, para mukhang maliit tiyan at 3) tumapat ka sa tubigan at mag-imbento ng pangalan ng fountain sa France o Spain o maski na saan basta malayo. Instant pogi points di ba?

HUWAG TULARAN #2


Nye! OK lang tumawa sa picture, pero gosh! huwag naman ganyan. Balang araw e puwede mong pagsisihan yan. Payat + malaki tiyan + humahagikgik = kelangan ng COMBANTRIN!

TULARAN #3
Kung 8 years old ka at nasa tabi ng swimming, aba e puwedeng puwede ang pose na yan. Natural hindi pilit. At talagang cute ng dating.

HUWAG TULARAN #3

haha! At nilipat pa nya sa kabila. Siguro kung di ka naman kandidata sa Little Miss Philippines, e hindi ko inaadvise ang ganitong pose.

TULARAN #4


Eto ang sinasabi ko. Hindi mo naman talaga kelangang nakatingin sa camera lagi para maganda ang pic. Puwede ring stolen shot o candid, pero maganda pa rin ang register sa film.

HUWAG TULARAN #4


Hindi porket ikaw ang bunsong pinsan e lagi ka ng cute. Maski anong edad, kapag bilugan ang mga hita mo e huwag ka na sigurong mag-mini, lalo na kung meron kang bakokang.

TULARAN CLASSIC
Para namang hindi nyo alam na dito rin tayo papunta...




Siguro TULARAN pa rin. Kapag nagawa na PANINDIGAN na. At kapag PINANDIGAN NA e di IPADALA pa sa ibang bansa. Talagang SOSYAL!
***************************
Gusto nyo ba ng part 2 ilaglag naman natin iyong iba?

13 comments:

Anonymous said...

wala ako masabi kundi a Ha Ha Ha Hi Hi Hi

Anonymous said...

Naku Yet mukhang sisisimulan ka na!

Cguro naman Det last na yan sayo kc naghahalukay na naman ng mga pics dis time sa baul na namin...

maghintay na lang ang iba hahaha!

Anonymous said...

Naku Yet mukhang sisisimulan ka na!

Cguro naman Det last na yan sayo kc naghahalukay na naman ng mga pics dis time sa baul na namin...

maghintay na lang ang iba hahaha!

Anonymous said...

Naku Yet mukhang sisisimulan ka na!

Cguro naman Det last na yan sayo kc naghahalukay na naman ng mga pics dis time sa baul na namin...

maghintay na lang ang iba hahaha!

Anonymous said...

sorry kala ko di pumasok naclik ko ulit ha ha...i'm learning


kaaliw kc mga pics1

Anonymous said...

mga gintong kayamanan(kc kulay gn2 n ung mga picture)hehehe...ms mgnda po hbng tntgnan ung mga picture ngpapatugtog ng beegees tska abba or vst and company...try nio po it brings back memories....

Anonymous said...

mama mia here we go again...
ah ah ah ah staying alive....ahhhhhhhhhhhhhhh

Anonymous said...

Hahaha... huy kuya, poor na poor tayo nyan, kaya yung damit ko, pang 1 year old, sinusuot ko pa kahit 3 yrs old nako...tingnan mo naman ang bewang, nasa dibdib!


Wala ako masabi sa sosyal na pic ni ate edet! Kakaiba ang hair-do at choker..at sa background...eskinol, cuticle remover...sosyal na sosyal eh?!

Anonymous said...

ayan, natatawa na naman ako dito mag-isa.

che, grabe! asarin ka ba sa bakokang.

gusto ko yung huwag tularan#2. Tama, do. kailangan mo nang combantrin 'nun panahon na 'yon. At tingnan mo ang katabi mo. Asar na asar (si one ba 'yon).

at sa tularan #2, inferness, malaki ang katawan mo sa pose mo o makapal lang ang damit mo nun. asa Bagumbayan o Luneta ka ba 'non)?

Anonymous said...

Hala tita yet nahuli ka sa camera tuloy.hehehe. Ok lang yun tita cheche na ganun suot mo before uso naman na yun di ba ngaun baby dress na high waisted.hehehe...

Anonymous said...

baby dress na high-waisted!! haha uso yan nung 1970's.

Anonymous said...

Che, nung panahon na yun eh talagang sosyal na tawag dun. Linaw naman ng mata mo, nakita mo pa eskinol at cuticle remover, may perfume nman na kasama kahit papano. hehehe

Humanda na kayo sa susunod na mga lihim na mabubunyag. mmwahhahahah!

Anonymous said...

Ay oo nga ate edet, may Tatiana! haha... atsaka infernez...nakamanicure ka na nung panahon na yun! sosyal!