Tuesday, January 6, 2009

New Year's Wish

Mali! Ang wish ko sa 2009 ay magkaroon ng bagong bahay, bagong kotse, at maraming bagong project sa trabaho.

Sana pala ang naging wish ko ay: Ipagbawal ang Magic Sing sa Binan Laguna. Dati kasi meron na kaming 3 kapitbahay na ginagawang panghimagas ang pag-Videoke. Ngayon, nag-regaluhan ata sila ng Magic Sing! Kaya ang kapitbahay namin sa harap at sa kanan ay nag-vi-videoke maghapon at magdamag! Ewan nga kung bakit hindi na ata nag-aaral ang kapit-bahay naman at maghapon na lang kumakanta. OK lang mag-videoke pag Outing o may okasyon. Pero araw-araw - Inay!!!

INFERNESS, meron naman mga kantang OK. Pero meron talagang mga kanta na makapanindig balahibo at makabasag-ear drums. Parang hinahanap ko na rin ang My Way, mas OK pa yun! Sa 2 linggo nilang pag-Magic Sing araw-araw, eto ang listahan:

TOP 10 na Pinakanakakainis na Videoke Songs
5) (salamat kay Tito One) Dancing Queen
- Wala namang masama sa Dancing Queen, OK naman ang beat at di nakakarindi sa tenga. Ang siste dito e pagkanta ni Inay ng dancing queen, e kakanta rin si ate ng dancing queen, tapos si yaya, tapos si tita, lahat sila kelangan maging dancing queen. Ang di ko ma-take e pati si Daddy e kakanta pa ng Dancing Queen! kainis!

4) Power of Love
- Ito ang kinakanta nila sa kasalukuyan. Yes 9:30pm ng Tuesday! Bakit ba kasi ipinagpipilitan mong abutin ang kantang di mo naman kaya!

"The moment I reach for you"

3) I will Always Love You
- Minsan dapat nating maintindihan na kaya sikat ang mga singer e dahil may natural na talent sila. At, hindi lahat ay mayroong ganung talent! So, sana e huwag na nating pilitin ang lalamunan na abutin ang ..."And I...I...I...I....I"

2) All By Myself ni Celine Dion
- Iyong version ni Kenny Rankin e OK naman sana. Pero sana dapat e kumuha ka muna ng lisensya bago ipakanta sa iyo iyong version ni Celine Dion. Lalo na yung pataas na pataas na "All By Myself" "All By Myself" "All By Myself" "All By Myself". Tapos sa dulo pipilitin nilang abutin. Iyong mga aso nga namin e galit na rin.

1) Luha
- Bakit?! Bakit?! Bakit?! naimbento pa ang kantang ito. Wala namang ibang nakakakanta ng maayos nito maliban sa Aegis.

tulungan nyo naman ako kumpletuhin ang Top 10, o.

4 comments:

one said...

haha. rinig din smin. di ata kinanta bakit ngayon ka lang saka dancing queen. hehe

Anonymous said...

ay naku umaga pa lang umaalingawngaw na ang regine selections ng mga birit nya!at ang sumasabay lalaki!!!

Anonymous said...

pa-request nga ng "Jambalaya"! pwede?

Anonymous said...

Isa pa... I don't want to miss a theeeng! another vdok favorite eh napakahirap naman kantahin!