Wednesday, January 7, 2009

Kanin Club

Nung unang beses kaming kumain sa Kanin Club, naghintay kami ng 30 minutes - Linggo nun ng alas-dose. Naisip namin na kung marami talaga ang kumakain, e baka masarap.

Kanina, nag-food trip kami at bumalik sa Kanin Club. Dahil sobrang sarap talaga. Pumunta kami ng 6pm pa lang para di na maghintay.

Sobrang Pinoy sa Kanin Club. Ang tugtog ay iyong sinaunang Sa Libis Ng Nayon at Kalesa. Bagay nga kasi sa ambience ng lugar. Ang lamesa nila e parang iyong bintana na capiz nung unang panahon. Look..


Pati nga pinto ng CR nila e bagay sa ambience.


Dati umorder kami ng Sinigang na Tadyang (sobrang sarap!) at saka Seafood kare-kare (yummy!). So sabi namin susubok kami ng iba. Di pa namin carry ang Crispy Dinuguan, kaya umorder kami ng Pinabukadkad na tilapia. (Mukha lang monster sa picture, pero malinamnam talaga, at crunchy pati mga tinik).


Umorder din kami ng Crispy Liempo (talagang Crispy pero makasalanan), Tinapa Rice at Patola in Olive Oil.

Meron silang Kanin all you can, pero nag-di-diet kami e hehe. So di na lang.
Nanalo na ang Kanin Club ng DOT Kalakbay Award for 2008/2009 as Best Restaurant. Ito ay nasa Paseo de Santa Rosa. So papunta o pabalik galing Tagaytay, subukan nyo!
Sa Friday, naimbitahan akong mag-dinner sa HEAT. Hmmm, di ko sure kung kakayanin mong mag-picture dun haha. Pero babalitaan ko pa rin kayo.

2 comments:

jorge said...

yes, masarap talaga sa kanin club, nakakain na rin ako dyan several times nung nasa Interphil pa ang work ko. Natikman ko na yung crispy dinuguan. Ang desert na masarap dyan ay yung turon with langka at iba pang sangkap.

Anonymous said...

Baka dyan meron nung "kanin juice"!