Saturday, January 10, 2009

Makasarili at FULL MOON

Oo nga naman, ang pinag-uusapan na lang lagi natin ay ang Pasko ng Pamilya Banal. Lagi na lang tayo! Parati na lang tayo. Bigyan naman natin ang espasyo ang ibang tao at mga ibang pamilya.

Ano nga kaya ang ginawa ng ibang tao nung Pasko? Ang mga classmate natin, mga ka-office, ka-baranggay, ka-tong-its? Tinanong nyo ba?

- Sabi nga ni Ia, ang classmate niya ay nagtsismisan maghapon
- Ang kakilala namin ay nanuod ng sine
- Meron din namang nanuod ng TV

Tinanong nyo ba sila? Share nyo naman.

Oo nga pala. Mamayang gabi ay ang BIGGEST FULL MOON ng 2009. Ayon sa PAGASA
"the perigee Full Moon would be witnessed at 7 p.m. Saturday where the Moon would be 14 percent bigger and 30 percent brighter than lesser Moons."

Kung asan man kayo, saksihan ang kakaibang kalawakan mamayang gabi. Pero ingat din, alam nyo naman ang sinasabi nila kapag Bilog ang Buwan.



1 comment:

Anonymous said...

sana lang bright ang sky para makita natin ang beauty ng full moon!