Saturday, January 24, 2009

Friday Gimik

Gumigimik pa rin naman ako, paminsan. Bday ng mga kaibigan kaya nag-dinner kami sa Greenbelt 5. Gulat ako kasi gawa na pala ito. Sobrang sosyal ng mga tindahan sa GB5, iyong iba mas sosyal pa kesa sa GB3. Napaisip ako kung tama ba ang TIMING ng pagbukas ng GB5 sa gitna ng KRISIS. Meron kayang bibili dun? For example, ang pinakamurang relo sa IWC ay kalahating milyong piso. Ang pinakamurang wallet sa Bally 11,000 pesos. Pinakamura na siguro ang ZARA, pero mura sa mga sobrang mahal.

Hmmm. Not sure about their strategy, pero wishing them the best of luck talaga. Sana iyong mga mayayaman ng ibang bansa dito magshopping sa atin.

We had dinner at Chateau 1771. Very reliable menu. Always outstanding food. Pero medyo may kamahalan ang presyo (with wine, mga 1,400 per person). Buti na lang di ako nagbayad.

Afterwards, punta kami Serendra para sa aming favorite tambayan - CAV. Wine Cellar at Cheese place(must try ang emmental and brie!). Sobrang OK ng ambience dahil meron pang wine tasting - wines from all over the world (europe, africa, US, aussie). Pero of course, medyo may kamahalan ulit (mga 1,000 per person). Again, buti na lang at marami may birthday, so nalibre lang ako.

In summary: sobrang OK magbuhay mayaman, PAMINSAN at LALO NA KUNG LIBRE. Hmmm, so para palang hindi buhay mayaman hehehe.

2 comments:

charisse said...

Naks c Tito ido nmn Pa-humble effect pa..hehe

Anonymous said...

sama mo nman ako tito ido minsan sa mga nanlilibre sayo...hahaha...pag d libre ng kasamahan mo, libre mo nlng ako...hehehe