Showing posts with label Other Occasion. Show all posts
Showing posts with label Other Occasion. Show all posts

Wednesday, April 22, 2009

Happy Earth Day + Par

Earth Day nga pala today. Meron ba kayong ginawa para sa kalikasan kanina? Ang Starbucks nagbigay ng 40P discount, sa mga gagamit ng tumblers nila. Nice!

Meron daw sakit si Par. Asa hospital siya (MCU). Di ko masyado naintindihan kung ano sakit nya, basta may kinalaman sa tiyan. Get Well Soon Par!

Thursday, April 16, 2009

KK Party

Message from Tito Jorge:

Baka gusto nyong magjoin sa "Krispy Kreme Online Party" sa April 20, Monday, 7 pm. Eto ang mechanics, ang gustong magjoin, kailangan may krispy kreme doughnut sa tapat ng computer na may webcam.

At around 7 pm, mag-o-online tayo sabay sabay". Syempre, kajoin natin yung birthday celebrant sa araw na yon, si Ia-san, na mayron ding krispy kreme from japan. Kailangan magjoke bago mag-greet kay Ia at pagkatapos kainan na ng krispy kreme, yehey. Ok di ba?Huwag lang kakalimutang magtake-out sa monday ng krispy kreme bago umuwi ng bahay para ready sa "Krispy Kreme Online Party". O Kathleen join na, bago toh!Ingat!

Monday, April 13, 2009

Kalendaryo

Mark Your Calendars:

April 19: Donaire at Viloria Bouts on April 19 (sa Sunday na)

April 29: Xmen Origins: Wolverine @ your suking sinehan

May 2: Pacquiao-Hatton Bout on May 2 (May 3 sa Pilipinas)

May 23: Akon Live in Manila

July 10: WWE Smackdown in Manila

Para sa mahilig sa kotse:
Miyerkules 8-9:30 PM - Counterflow @ NU107 (radio ito ha)

Sundays 8pm - Rock Ed Radio @ NU107
your alternative Social Studies class on air. Walang chismis dito (*sayang). Usapang ugali, musika, sining at sibika. Mangelam naman tayo. Pag-usapan natin kung papaano.

Thursday, April 9, 2009

Poker Updates

Happy Birthday




Round 7:
Winner: Par
2nd Place: Ayo
Last Place: Tita Dang


Round 6:
Winner: Tito Ayo
2ndPlace: Tito Par
Last PLace: Tito Ido tied with Evot

Round 5:
Winner: Evot
2nd Place: Tito Jorge
Last Place: Tito Egay

Round 4:
Winner: Tito Jorge
2nd Place: Ido
Last Place: Par

Round 3:
Winner: Tito Egay
2nd Place: Ayo
Last Place: Par

Round 2
Winner: Evot
2nd Place: Ido
Last Place: Tiyong

Round 1
Winner: Tito Ido.
2nd Place: Par
Last Place: Tiyong tied with Tito Egay

Tuesday, April 7, 2009

POKER PARTY

Please mark your calendars. 1st PB Poker Party on 4/9 Thu. 11:30AM.

Southville, Binan Laguna

Nothing but Poker. And Coffee and food. Wala raw sasaway.

Food: by Lolipot and Lola Maam
Coffee: by Tito Ido

Sana pumunta ang 12 na sumagot hehe, or 6-8 para may quorum. Just bring money =).

Tito Jorge, I can also discuss the proposal.

Cu.

Monday, April 6, 2009

Mark Your Calendars

Sobrang daming nangyayari sa PB...graduations, recognition, outing at...

Eto pafrom Tito Egay:

PB Bowling Summer Tour
17May. venue: Coronado Lanes, Starmall Crossing, EDSA
Remember to send pics of your Holy Week gigs.

Kriza's Graduation

Yes! Kriza's Graduation.



Natatawa ako kasi lahat na ng events ng PB e may picture sa banner o tarpaulin.







Ano ba Par, iyang salamin na nakasabit sa leeg nakakatanda yan sa picture. =).


Pareho silang tan sa picture.


The magic of retouch - the grad pic.


Sabagay sa tagal ng graduation ceremonies, nakakagutom talaga. Pero mamaya pa ang kainan


Friday, January 2, 2009

Pa-buwenas sa Bagong Taon

Ate Rose: Grabe Edith, sobrang dami mo namang pina-raffle
Ate Edith: Natuwa ako e!

Haha. OK pala talaga pag natutuwa si Ate Edith. Umulan ng raffle prizes nung New Year. Naalala talaga ng marami si Tiyong, na malamang excited sa Raffle. Sana magpagaling siya ng mabuti. Dahil parang maganda talaga ang pasok ng bagong Taon.

Pakinggan natin ang mga reaksiyon ng mga big winners sa raffle kahapon:

KAREN

Ako po'y na-shock sa napanalunan ko.
Napaka-plastic po ng reaksyon ni Ate Karen.

LOLA MAAM

Di ako makapaniwala na 4 digits. Halos sambahin ko ang perang napanalunan ko.


Abangan natin ang reaksyon ng iba pang winners.


Pa-perya Raffle ni Tito Jorge at Tito Egay.

Nagpa-uso si Tito Jorge ng Major Raffle - lahat ay kasali at mamahalin talaga ang premyo. At ang dami pang puwedeng manalo. Iyon na nga lang meron kang taya - in summary, SUGAL po ito.

1st place winner: Tito Egay. Wala pong dayaan na naganap dahil kayo naman ang bumubunot ng mga pangalan.

Pagpalain ka Jorge sa pa-raffle mo! Next time me komisyon ka na sa premyo
ko!



2nd place winner: Camae.





'PILIIN ANG GUSTO MONG PREMYO' RAFFLE

Nagpa-imbento na naman ng si Tito Ido ng bagong pakulo. Di raw niya sigurado kung papatok ang kakaibang raffle. Pero OK naman pala. Next year, papalakihan na raw niya hehe.

6 na Premyong Puwedeng Mapanalunan



Eto ang reaksyon ng mga winners:

ATE YET - Grand Prize Winner


My feeling is fantastic. Manalo ka ba naman ng Px,xxx na may light blue at Ninoy with matching toiletry kit from Amsterdam. It's a great feeling winning the grand prize. Sana start of good things to come in 2009. Cheers!!!


TITA EYAN - 2nd Place Winner

Talaga? Wow. Ako po ang nanalo. Maraming salamat po.

SPECIAL PRIZE WINNER - LOLA MAAM

Tse!

Nanalo na nga masama pa looob. Kakulay naman nya napanalunan.

SPECIAL PRIZE WINNER - LOLIPOT

Di ako naniniwala na nabulot ang pangalan ko. Sinadya lang ni Ido na tawagin pangalan ko dahil walang-kuwenta ang premyo.

Wedding Invitation

Ibang klaseng wedding invitation ang natanggap ng PB nung January 1. Ibang klase kasi 297 days in advance. So merong 9.5 months mag-ipon at mag-prepare.

Pero kahapon parang may intrigang bumabalot sa imbitasyon na ito. Alam nyo naman na wala akong kahilig-hilig sa tsismis, kaya hindi ko alam. Alam nyo ba? haha

Pink and Blue ang motiff.


First time din nating makatanggap ng wedding announcement. Sosyal. Pwede namang i-text na lang, o kaya sabihin sa mike. Pero syempre di nga pang-mayaman yon, so dapat engagement announcement via invitation.

At saka dapat nga atang i-announce ni Cha sa buong Cebu na engaged na si James. hehe.


Dapat di ko na po-post ang "insert" sa aking natanggap na invitation, baka ito pa ang magsimula ng intriga. Pero since si Ate Yet naman ay usher, ang gown na ipapatahi niya ay iyong di na kelangan ng reserved seat.


Mag-ipon na po at mag-prepare na para sa PB Wedding of the Year 2009.

Pang-Mayaman

Namangha. Nagulantang. Napanganga.

...ang mga naging reaksyon ng makita ang PB Happy New Year Lunch Banquet(para sosyal). At bakit naman hindi; talagang kagila-gilalas ang mga nakahain. Pero teka, unahin muna natin ang napakagandang patio (ito iyong garahe ha, pinaganda lang ang tawag) na animoy Mediterranean motiff sa picture, with matching vines pa. Saka, Appetizer pa lang nagkatalo na: freshly picked plump red strawberries direct from Baguio and steamed legumes from the mountain (nilagang mani po ito).

Para sa mga ka-PB sa Canada, Singapore at Novaliches na di nakadalo, eto ang mga putahe ng ina (at ama) natin na inyong na-miss:

1) Shabu-Shabu: maganda at kakaiba ang pasok ng 2009, kung ang hain nila Par, Lolipot, Ate Edith ang basehan. Unang beses sa kasaysayan ng PB, meron tayong sumptuous Shabu-Shabu feast. At halos mabaliw talaga ang marami sa dami ng sangkap, sa samu't-saring mga pampalasa, at higit sa lahat dahil hindi nila alam ang gagawin!

Merong lapu-lapu, pork, tofu, squid balls, kikiam, veggies, mushrooms, seasonings, FRESH SHRIMPS at SCALLOPS! Scallops! meron talaga nito! maisip nyo bang may mag-hahanda sa atin ng SCALLOPS? Gosh! Ang nasabi ng mga tao: Pang-mayaman!

Pamilya Banal, don't forget on January 5 when you are school or office or at work:
Kaibigan: So, anong handa nyo nong New Year?
Ikaw: Nagtipid kasi kami e, SCALLOPS lang

2) Lumpiang Santan. Tiyang brought her kusinera to Los Banos to cook her spey-sial lumpia. So yummy, we are baptizing it with a new name.

3) Chorizo de Binan. Lola Maam made hiwa-hiwa and durug-durug the longganisa, and added banana de saba for her signature 2009 dish.

4) Arroz ala Ecija. Perfect with Steamed Vegetables. Buro lang ito na pinaganda pangalan hehe. Modernized by Ate.

5) Bottomless BBQ. Astig ito, dahil sangdamakmak na nakain namin, hindi talaga nauubos. Tito Egay's savory dish is also miraculous. Lahat kain ng kain, pero di talaga nauubos. Dapat pala nag-take home tayo.

At marami pang iba: Milkfish Roulade (Rellenong Bangus hehe), Tenderloin Tips, Fish in White Sauce at for dessert: Leche Flan, Fruit Salad, Peachy2 and Fresh Pineapple Surprise.

PICTURES:
Malamang na-stress si Diane, dahil inappoint siya ura-urada ni Par to lead the prayer. Pero, nagulat ang lahat sa taimtim at akmang-akma na Prayer before Lunch.

Tiyang's Secret: Her Kusinera


Ngapala may Crabsticks pa pala. Don't forget to tell your friends, FRESH SHRIMPS, CRABSTICKS and SCALLOPS.


Ang technique: Si Lolipot ang nag-pre-pare ng Shabu Soup. Kaya nakaka-adik.


Talagang Cinareer nila Par ang Shabu-Shabu.


Medyo maalat na ang soup nung mga oras na ito.

Mga Bagong Kulto

Nagkalat na ang mga Alagad ni Ate Edith.










Ang mga disipulo ng NautoakoYoga






Wednesday, December 31, 2008

Happy New Year na Relax

Bukas na! January 1, 2009.

Relax pero masayang New Year Celebration ang aasahan natin bukas.

- Singing Bee Part 2
- Family Feud Part 2
- Special at Bagong-bago na New Year Lunch - SHABU-SHABU
- Surprise Games ng Committee
- 'New Age' Relax Game ni Tito Ido
- Relax Games ni Tito Jorge
- Exciting and Bagong Pa-Raffle ni Tito Ido
- Special Papremyo ni Tita Edith
- Relax Games ni Tito Par

Friday, December 5, 2008

Evot - Na-very good for the first time

-evot- said...
pwede ba na twice a year ung bowling tournament natin?or gumawa pa tayo ng new tournament for pamilya banal like badminton, billiards, boxing (sa Wii ni tito ido), etc...para masaya...hehehehe...
December 4, 2008 12:53 AM

Helen said...
Good suggestion..
December 4, 2008 3:39 AM

Egay said...
Yes, why not? Or we can also do other tournaments. Evot, I am officially appointing you as our Sports Committee Chairman. You may start with Badminton...ayos ba?...now, any more suggestions? He he he... relax!
December 4, 2008 5:36 AM

Sunday, November 23, 2008

Tsismis Tungkol sa Pasko

Maisip nyo bang aksidenteng magkita-kita kami sa Congo Grille sa West Gate, Alabang. Since andun na rin kami e pinag-usapan na ang mangyayari sa Pasko.

Eto ang mga nasagap kong tsismis:
1) Dahil ang nanalo sa botohan ay overnight Christmas, mag-o-overnight na nga. Pero kanya-kanya na, para mas madali. Iyong gustong magsimba e di magsimba. Iyong gustong mag-noche-buena e di mag noche-buena. Everybody happy.

2) Medyo mababa kasi ang collection, kaya ang pagkain ay inihaw na marshmallow at Mekeni hotdogs, iyan na ang donation ni Tito Jorge and Tita Edith.

3) Meron din namang games. Example: Sasampalin daw kayo ng pera ni Tita Edith for 15 minutes. Pag tumagal kayo, sa inyo na ang pera. Kaya dapat mas maraming pera mas ma marami ang premyo. Ang problema coins ang gagamitin.

4) Since malamang traffic papuntang SLEX, sa Tagaytay(contact ni Tito One) na gagawin ang pilahan. Naka-blindfold ang mga bata at isa-isang hahanapin ang magpapapila. Ang mga hindi mahulog sa Taal, ang makakatanggap ng papila.

5) Yumaman pala si Kuya Jorge this year, kesa last year

6) Meron na rin palang mga sub-committee sa Relax Christmas, ito ang mga na-assign:
- Committee on Definition of Relax: Evot
- Committee on Peace and Silence: Ditse
- Committee on Cowboy Films Charade: Kevin

Ang labo ano? Kaya daw pumunta kayo sa Bowling sa Sunday, para maliwanagan. At meron din daw 11 trophies up for grabs.




Monday, November 17, 2008

Tita Che-Che sa Mel and Joey

3 Seconds of Fame...

Napanood nyo ba ang Mel and Joey last Sunday? Kakagulat at kakatawa dahil si Tita Che-Che ay na-pakita sa camera for a few seconds, dahil Singapore ang feature ng Mel and Joey. Unfortunately, e kumakain siya sa isang carenderia sa isang jologs na lugar. So, tumpak, ang claim to fame nga lang nya e medyo ka-cheapan.

Eto ang statement ni Tita Che-Che:
hmm last last saturday yata yun. sabi na nga ba eh. akala namin food lang ang kinuahan nila di din namin sure na mel and joey, bigla na lang nag shooting dun sa kinakainan namin!! hahaha gosh! tapos nung paalis na kami sa lucky plaxa, nakita na nga namin si mel nag sh shooting sa harap. kaloka. jologs pa naman yung filipino cafe na yun no. saka yung mga tagaluto nila mga pokpok. but in fairness masarap kasi ang ginatan saka biko dun at suman

Saturday, August 23, 2008

Joke Joke Joke Despedida for Sr. Vicky

Naging Bulagaan ang send-off party for Sr. Vicky. Maraming salamat kay Tito Jorge para sa kakaibang concept ng game. Padala mga pictures na kinuha ninyo at i-post natin dito.














Thursday, August 14, 2008

Pot-Luck Lunch on Sunday

Sr. Vicky is on a 2-week "vacation" at Santan, and her last day of vacation is on Sunday, Aug 17. Also, Monday is a holiday.

So please bring food for yourself and be at Santan on Sunday lunch time.

See you all!

Sunday, July 6, 2008

Welcome Ian!

Napaka-sosyal ng venue ng binyag ng Ian. First time ko lang makapunta sa Ibarra's garden in 7 years, ang laki na ng pinagbago - tumubo na ang mga paru-paro.

Katulad ng anumang okasyon ng Pamilya Banal, parang Regal films ang binyag na ito. Merong sumayaw, merong kumanta, merong nag-joke, merong tumawa, maraming umiyak.

Pero para sa akin eto ang Top 5 Highlights ng Binyag ni Ian:

#5 - Konting drama sa pagmano kay Revo sa taga-Pamilya Banal
- bakit ba kasi Revo ang pangalan nun? Saan ba galing iyon? Revolusyon? Camaron Revosado?

#4 - Macarena ni Revo at Dianne
- buti na lang at di nila ako pinahiya. At siyempre cool din naman nung nag-Macarena si Dianne. Sa pagitan ng pag-iyak e nakasayaw pa rin siya. Mahusay.

#3 - Ang pagsisimula ni Par ng program
- laging maasahan si Par sa pagsisimula, maski medyo awkward ang sitwasyon. Syempre kasama lagi ang I Left My heart in San Francisco na nakabisado na pala niya. Kakatuwa rin ang mga chuwari-wariwap na lalong bumuhay ng song number at hosting ni Par.

#2 - Final Song ni Boyet
- bukod sa nakakatawa at hindi nakakadiri sa kadramahang speech ni Boyet e nakakatuwang naghandog pa siya ng huling kanta. Nakakatakot na matapos ang isang okasyon na hindi masaya, so buti na lang at kumanta siya, maski na medyo hindi bagay ang kanta sa okasyon - hello? Bakit Ngayon Ka Lang? haha

At ang no.1?

#1 - The Pamilya Banal Spirit
- kahit na mahirap ang sitwasyon, biglaan ang okasyon, walang program...asahan na makikisawsaw ang pamilya banal. May initiative mag-host, mag-volunteer kumanta, sumayaw, at mag-joke, maki-isa sa mga hindi taga-Pamilya Banal at aliwin ang isa't-isa. Isama na rin ang pagbalot ng pagkain at mag-uwi hehe. Pero sa ganitong okasyon talaga malalaman ang kakaibang karakter ng Pamilya Banal.