Sunday, November 23, 2008

Tsismis Tungkol sa Pasko

Maisip nyo bang aksidenteng magkita-kita kami sa Congo Grille sa West Gate, Alabang. Since andun na rin kami e pinag-usapan na ang mangyayari sa Pasko.

Eto ang mga nasagap kong tsismis:
1) Dahil ang nanalo sa botohan ay overnight Christmas, mag-o-overnight na nga. Pero kanya-kanya na, para mas madali. Iyong gustong magsimba e di magsimba. Iyong gustong mag-noche-buena e di mag noche-buena. Everybody happy.

2) Medyo mababa kasi ang collection, kaya ang pagkain ay inihaw na marshmallow at Mekeni hotdogs, iyan na ang donation ni Tito Jorge and Tita Edith.

3) Meron din namang games. Example: Sasampalin daw kayo ng pera ni Tita Edith for 15 minutes. Pag tumagal kayo, sa inyo na ang pera. Kaya dapat mas maraming pera mas ma marami ang premyo. Ang problema coins ang gagamitin.

4) Since malamang traffic papuntang SLEX, sa Tagaytay(contact ni Tito One) na gagawin ang pilahan. Naka-blindfold ang mga bata at isa-isang hahanapin ang magpapapila. Ang mga hindi mahulog sa Taal, ang makakatanggap ng papila.

5) Yumaman pala si Kuya Jorge this year, kesa last year

6) Meron na rin palang mga sub-committee sa Relax Christmas, ito ang mga na-assign:
- Committee on Definition of Relax: Evot
- Committee on Peace and Silence: Ditse
- Committee on Cowboy Films Charade: Kevin

Ang labo ano? Kaya daw pumunta kayo sa Bowling sa Sunday, para maliwanagan. At meron din daw 11 trophies up for grabs.




2 comments:

ayo said...

ang labo nga grabe! pati picture malabo... hehehe

EGAY said...

TO ALL CONCERNED:

Re. PB Christmas Party and PB BOWLING TOURNAMENT.
Please check my post on the topic 2008 handicap.

egay