(inspired by Ditse)
Tinanong ko ang nanay ko kung sa tingin ba niya ay "mabait" ang kanyang panganay na kapatid. Ang sagot nya, oo naman. Halos mabilaukan ako sa kinakain kong tulya. Di ko kasi ineexpect na sa depinisyon ng Pinoy ay mabait ang aming Ditse. Di naman siya masamang tao, pero mabait? Hmmm.
Bigla kong naisip. Para sa akin, hindi mahalaga ang maging mabait. Pero ayokong maging masama. Tingin ko di naman kabaligtaran ng mabait ay masama. Ang kabaligtaran ng mabait ay hindi mabait.
Medyo komplikado rin kasi ang "mabait" sa konteksto ng mga Pinoy. Di ba nga maririnig natin na sinasabi ng iba na "ang bait naman ng batang ito, hindi magulo at hindi maingay". Nye, so ang mabait pala ay yung parang tuod lang na nakaupo at di nagsasalita. Minsan naman ang tinatawag na mabait ay yung mga hindi umaangal maski inaabuso na ng asawa o kasintahan. Iyong matiisin ba. Yikes yoko nun.
So kung ang pagiging mabait ay: tahimik, nakapirmi lang sa isang tabi at martir. Pass! Ayoko nyan.
Gusto kong tawaging magalang, iyong hindi bastos, malawak ang pag-iisip, at paguunawa, cute, talented. OK mga yan. Pero mabait, sila na lang.
No comments:
Post a Comment