Birthday ng pinsan ko nung Lunes, so naisip kong i-research kung gaano karaming Pilipino nga ba ang nasa Canada. Kasi halos 10 na siyang naka-based sa Toronto kasama ang kanyang Pamilya.
Sumisikat kasi ang Canada bilang immigrant destination sa buong mundo. Kasi nga niluwagan ng bansa ang pagpasok ng mga dayuhan. Ang pangunahing dahilan, sobrang liit ng kanilang population growth. Noong 2001 to 2006, 5% lang ang kanilang population growth. Sa mga taong yon naman, lumaki ang dami ng mga Pinoys na immigrant ng 33%.
On the average, mga 20,000 na Filipino immigrants ang pinapayagan ng Canada na makapasok sa kanilang bansa. Kaya nga ngayong 2012, tinatayang lagpas 500,000 na ang mga Pilipino dun. Ang Pilipinas ang #1 Southeast Asian country in terms of Immigrant to Canada. Pangatlo tayo sa Asia kasunod ng China at India.
Tulad ng aking pinsan at mga pamangkin, #1 na destinasyon ng mga Pinoy sa Canada ay sa Toronto. Tinatayang 25% ng mga Pilipino sa Canada ang nasa Toronto. Pumapangalawa naman ang Vancouver tapos pangatlo ang Winnipeg.
Di naman kakagulat na marami ang gustong mag-migrate sa Canada. Sila kasi ang ika-anim sa pinakamataas in terms of "Human Development Index" at sila rin ang isa sa pinakamataas na standard of living sa buong mundo. Tapos sinasabi rin na ang Canada ang no.1 most liveable country in the world.
Dalawang beses pa lang ako nakapunta sa Canada. Ang babait ng mga tao sa Canada, lalo na kumpara dun sa ibang bansang kalapit nila =). Mas friendly, mas accomodating, at di mayabang. Pero di ko ata masasabi na it's more fun in Canada, sobrang lamig naman kasi =).
No comments:
Post a Comment