Wednesday, January 25, 2012
Kodak nag-file ng Bankruptcy
Nitong buwan ng January 2012 lang, nag-file ng bankruptcy ang kompanyang Eastman-Kodak. Tingin ko alam na naman nating lahat na mangyayari ito sa kanila sooner or later. Kakalungkot lang na mangyari ito sa isang kumpanyang tulad nila na pioneer sa larangan ng technology, at naturingang nag-imbento ng camera.
Marami ang nagsasabing napag-iwanan ng panahon ang Kodak, lost in time kumbaga. Pero tingin ko naiwan sila sa gitna. Di naman kasi namatay ang photography, actually parang sobrang dami pa nga ang nahuhumaling dito. Ang kaibahan lang, iba na ang ginagamit ng mga tao.
Sa isang banda, ang mga Digital/SLRs. Naglalaban dito ang Canon at Nikon. At mapapansin ang mga photographers sa lahat ng okasyon, mapa-kasal man, piyesta o maski na dinner with friends. May kamahalan ang presyo pero talagang pinagiipunan ng mga tao.
Sa kabilang banda, ang pinaka-common na camera ng mga tao sa panahon ngayon...ang cellphone. Minsan nga inuuna pang tanungin kung may camera ang cellphone kesa kung malinaw ba ang tawag dito. So talaga naman, puwedeng-puwedeng sabihin na ang mga cellphones ang pumatay sa Kodak camera. Puwede ring Facebook at usb ang pumatay sa Kodak. Maliban sa nanay ko at sa Ate niya, marami pa ba ang mga nagpapa-print ng pictures ngayon? Mas marami pang na-u-upload sa Facebook kada minuto kesa sa nagpapa-print ng papel na picture sa loob ng isang buwan.
So maski pala isang technological innovation ay posibleng mapatay. Hmmm. sino kaya ang susunod? Hula ko mga printers, di kaagad pero malapit na. Tarpaulins, dahil sa environmental movement. Ayoko mang managyari pero Books and Bookstores. Sana hindi. News papers. Puwede, pero mauuna ang broadsheets mamatay kesa sa tabloid. Ballpen? Hay kaka-amaze ang pagbabago ng panahon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tingin ko na tatagal pa ang printers kasi madami pa mga legal documents na nirerequire ng hard copy...bka maunang mawala eh yung news papers then books and bookstores kasi pansin ko dumadami na ang mga gandget na pwede ka magbasa ng news at books like kindle at iPad..
Post a Comment