Thursday, January 19, 2012

2 Must Read Pinoy Books

1 Grande Frapuccino + 1 Cookie  = 180 Pesos



2 groundbreaking books written in Filipino are available in the market today. 

It's a Mens World by Bebang Siy = 180 Pesos

The book appeared in a couple of Top 10 Best Books of 2011.  So I said, would not hurt to give it a try.  Ang libro ay koleksyon ng mga short stories sa unconventional na pamamaraan.  Simple lang ang istorya, kakaiba lang ang presentasyon.  Nakakatawa, nakakatuwa, para kang nagbabasa ng text o kaya facebook post ng isang kaibigan na pinagsama-sama sa isang libro.  Ang kaibahan, mapapaisip ka sa librong ito pagkatapos.  Ganun din kaya mag-isip mga pamangkin ko?  Ang anak ko?  Ang nanay ko? 

Kuwento ito ng iniisip at hindi iyong nangyayari.  Malabo ba?  Para ba iyong sa komiks.  Di ba meron dun iyong sinasabi ng character na asa "callout" box.  Hindi iyon.  Etong libro e para dun sa iniisip ng mga characters, iyong mga asa loob ng hugis ulap.  Kaya nga mas exciting.  Mas personal din, minsan para kang nagbabasa ng diary.  So maski iyong mga innermost thoughts e nakasulat.

Wag Lang Di Makaraos ni Eros S. Atalia = 200 Pesos
100 Dagli (Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)

Natapos kong basahin ang libro sa loob ng 3 oras.  Pero hanggang ngayon, di ko sigurado kung ano ito. 

Para kasi itong joke book.  Nakakatawa kasi at bawat kuwento ay merong punchline.  Pero hindi nga kasi ito joke book, so parang horror fiction book.  So kung di nakakatawa, nakakagulat ang punchline.  Pero hindi nga kasi ito fiction book.  Para itong tabloid.  So kung di nakakatawa o nakakagulat, shocking ang punchline. 

Minsan para naman itong puzzle book.  Kelangang dalawang beses basahin para ma-gets ang punchline. 

So anong libro nga ba ito?  jokebook, horror fiction, tabloid, puzzlebook?  Baka ikaw dapat magsabi.


No comments: