Pandan Beach, Puerto Princesa Palawan May2010 - Tourism Hope for the Philippines
Ayon sa Pulse Asia Survey na inilabas nung mga huling linggo ng Disyembre 2012, halos 9 sa bawat 10 Pilipino ang nagpahayag ng optimismo o pag-asa sa darating na 2012. Optimismo ang sentimento ng nakararaming mga Pilipino sa bagong taon ng 2012. Tinatayang 88% ng mga Pinoys ang nagsabing sasalubungin nila ang bagong taon na may taglay ng pag-asa.
Likas na positibo ang mga Pilipino, kaya di rin nakakagulat ang resulta ng survey na ito. Ang optimismong Pinoy ay hindi factor ng kayamanan o economic status. Ibig sabihin, hindi porket mayaman ay puno ng pag-asa para sa bagong taon. In fact, it is those who are considered "statistically economically poor", who are the most optimistic (up to 95%).
Sabi ng Inquirer sa Editorial nila nung January 5, marahil ang estadistikang ito ay may kinalaman sa: pagbaba ng unemployment mula 7.1% sa 6.5%, sa anti-corruption na polisiya ng P-Noy administrasyon (di ba nga may impeachment kay Corona, at ang kanyang bossing na si GMA ay naka-detain), ang stable na exchange rate ng dollar sa peso.
Isa ako sa 88% porsyento ng mga Pilipinong puno ng pag-asa sa 2012. Marami pang dapat baguhin at paunlarin sa ating bansa at sa ating gobyerno. Alam nating lahat yon. Pero, ang primary source of optimism ko ay 1) pakikipag-usap sa mga matatalinong kabataan (marami pala sila) 2) maraming Pilipino na patuloy na nagsisipag gawin ang trabaho at 3) pagpasyal sa napakagandang lugar sa Pilipinas. Ang ganda talaga sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment