Sunday, January 29, 2012

Unrequited Love


Bakit nga ba yung mga walang gusto sa iyo ang pinipilit gustuhin ng tao?  Lalo na kung meron namang may gusto sa iyo.  Eto ang topic namin nung lunch isang araw, at ewan nga ba kung paano ako nakasali sa ganitong klaseng usapan.

Ganito raw kasi, iyong kaibigan namin e patay na patay dun sa lalaking obvious na wala namang gusto sa kanya.  Di pa naman siya stalker level, pero parang malapit na.  Wala na kasi siyang bukang-bibig kung di iyong crush niya.  E kaso mo meron namang isang halatang patay na patay sa kanya.  Actually kung tutuusin e mas maayos na tao.  Iyong crush niya kasi e parang bad boy - adik, walang regular na trabaho, at walang finesse.  Samantalang yung may gusto sa kanya e marangal na tao, maganda ang trabaho, matured at higit sa lahat, mapera pa.

So ganun ba talaga, ginugusto ng tao iyong mga mahirap makuha?  At nababalewala na ang katinuan at logic pag merong gusto? 

No comments: