Si Ditse nga pala, ang panganay na kapatid ni Mommy. 84 years old na siya, walang cell, wala ring PC. Si Mang Sias din pala, ang kapalo ko sa tennis e pinupukpok ang cellphone nun bago maka-text. Si Aling Marrietta din siguro iyong taga-laba namin dati. Ano nga pangalan nung nagtitinda ng mais sa atin? Iyong pag sumigaw, exag. Parang Eh maeeeeeeeeeeeeeeeesssssssssssh. Yan marami naman pala.
Kakaiba kasi ang pananaw ng marami tungkol sa software at Intellectual Property. Lalo na para sa mga taong walang konek sa IT. Napapapikit na lang ako pag naririnig ko ang isang taong nanghihingi ng kopya ng PvZ o kaya Skyrim, at ilalagay sa USB.
Interesting din na maski iyong mga taong may original na Louis Vuitton bag at ayaw bumili ng pekeng bag, damit, sapatos e puro peke ang apps sa phone. Hinack, jinack, kri-nack. Haaaayz.
Pati nga iyong mga distinguished writers from the academe minsan iba rin ang pananaw tungkol sa software. Pero pag sila naman ang na-plagiarize galit na galit.
I know, I know. Sobrang mahal kasi ng mga licensed softwares at licensed games. Pero ang hirap naman kasing gawin ng mga yan. Di naman natatapos yan ng madali. Dinedesign, prino-program, tinetest, pilot, beta version. At madalas maraming beses na paulit ulit. Tapos maghi-hire ka pa ng graphics designer, ng artist ba, para maganda ang itsura. OK ang color combination. Mag-hi-hire ka rin ng writers, para solid ang kuwento. Tapos mega-testing ito. Kasi i-tr-try mo kung puwede ba sa PC, e paano sa iPad, sa iPhone, sa Android, paano kung naka-wifi OK ba ang performance. Sobrang daming taong involved, at sobrang tagal madevelop ng isang laro o application.
Ewan kung optimistic lang ba, pero parang napapansin ko na malapit ng ipagbawal ang mga illegal na software - apps o games. At ngayon lang na-resolve ko na. Hindi ko na po kayo pa-pyansahan. Well, dadalawin ko pa rin kayo siyempre, kamag-anak at kaibigan ko kayo e. Sa pagbisita ko sa inyo sa bilibid, dadalhan ko kayo ng mansanas. =)
No comments:
Post a Comment