Di pa rin nagbabago ang konsepto na kapag Milyonaryo ka e mayaman ka. Dati kasi pag sinabi mong milyonaryo, yung parang sobra sobrang yaman. yun bang parang hindi na maghihirap forever and ever. Di lang nung 70s ha, pati ata 80's ganun pa rin.
Ngayong 2010s, kung may 1 Milion ka di na ata ganun.
- Kasi ang studio na condominium sa Makati ay aabot ng 3Million Pesos
- Ang high-end na SUV lagpas ng 1 Million
So ano ba yun, di ka pa pala makakabili ng condo o kaya magarang SUV man lang.
Kung naisip mo namang ipasok sa bangko ang 1 Million, your best bet would be the Central Bank Fund. eto kasi ang merong pinakamataas na interest. Depende kung kelan siyempre, pero aabot ito ng 4% per annum. Compared for example sa mga time deposit na between 2% at 3%. Kaso ang minimum nga dito ay 1 Million Pesos.
Kung inisip mo na pag meron kang 1 Million ay di ka na maghihirap, dahil mabubuhay ka sa interest. Hmmm. think again.
Let's say ipasok mo ang 1 Million mo sa Central Bank Fund, tutubo ito ng 4% per annum. Kaso syempre lahat ng bagay sa mundo ay merong tax at transaction fee. In summary, ang 1 Million mo ay tutubo ng roughly 2,400 pesos a month. So ewan kung paano magkakasya ang halagang ito sa gastusin sa isang buwan.
Kung 10 Million, mas mataas ang interest. Posibleng lagpas 5% per annum. So ang kikitahin mo sa isang buwan ay posibleng umabot ng 30,000. Parang ang konti pa rin ano? Saka kung may 10 Million ka, ewan kung dito mo ilalagay, baka dapat i-invest.
Syempre, pag may 1 Milyon ka ay OK na OK. Pero iba na ibig sabihin nyan sa panahon ngayon. Di ka pa rin puwedeng mag-prente. Sorry to bring the bad news.
1 comment:
1.5years pa lang ako wala dyan sa pinas at parang nanibago na ako sa taas ng presyo ng bilihin sa grocery...nung naggrocery nga kami ni cha eh nagdala ako ng P3000 at konti pa lang ang nasa push kart namin eh kukulangin na ang P3000... at yung P1000 eh parang P100 na lang...
pero kung meron ka P1 milyon at iconvert sa US dollar eh super malayo na ang mararating nun dito sa US kasi P1 milyon = $22,000... at makakabili ka na ng simpleng bahay nun dito or magandang SUV..
Post a Comment