Thursday, January 19, 2012

Simala, Sibonga Church








58 kilometers South of Cebu is a hidden cultural gem - Monastery of the Holy Eucharist in Simala, Sibonga.



Pagpasok mo palang parang pinaghalong Disneyland at Vatican ang dating.  Yes this is in the Philippines.  Kakaiba.


Malaki ang lugar.  In fact meron pang parang maliit na ilog sa gilid ng simbahan


Parang Roma.


Teka, Parang Macau ata


Inside is a relatively small, pero another ginintuang altar




Unang sumikat ang simbahan na ito nung 1989.  Eto yung nung nabalita ang pag-iyak ng imahen ng Mother Mary sa simbahan.  Tapos di ba ang tagal nito sa balita, at meron pang mga imbestigasyon.

Kaya ayon, almost 23 years after ang kapilya ay palasyo na ng Miraculous Shrine of our Lady of Simala. 






Eto nga pala ang main attraction ng simbahan - The Miraculous Our Lady of Simala.  Ayos di ba meron siyang sariling pangalan.  I mean ulike yung mga generic na Holy Rosary o Perpetual Help.  eto talaga Cebuanong Cebuano.   Pinoy na Pinoy.

Ang haba ng pila dito, para meron kang private prayer moment.  Kasi nga natutupad daw ang mga wishes dito


Pang-Ripley's Believe it or Not.  Libu-libong mga sulat at mga souvenirs and nasa loob ng mga ganitong kabinet.  Punung-puno ng sulat ng mga wishes at syempre pagkatapos ay mga pasasalamat : pumasa sa board, naka-abroad, naka-graduate.  basta lahat-lahat.  




siyempre marami rin yung mga gumaling na may sakit.  kaya nga sa loob ng mga cabinet na ito merong saklay, bandage, stethoscope, ineksyon.  Totoo!  Take a look.






Pero nakikita nyo ba yung calculator at cellphone sa ibaba?  Kasi nga raw, kung saan ka sinuwerto iyon ang iiwan mong pasasalamat. 

Magugulat kayo dahil si Pacman Pacquiao ay meron ding wish dito.  At pasasalamat dahil nanalo siyang congressman.  Actually di ko sure kung iyon yun kasi asa Bisaya.  Pero meron kasing word na Sarangani so inassume ko na yun na yun.




 

Come visit.  Kung naniniwala sa himala, I guess sulit dito yan.  Kung katulad ko na usisero at mahilig mag-observe ng mga tao, solve kayo rito.  1.5 hours from Cebu City.  On the way to the nicest beaches sa Argao and the whale shark sa Oslob.  Daan kayo sandali.


No comments: