Saturday, January 7, 2012

GLAMPING, SPARTY at kung anu-ano pa

(inspired by Karen and Camae)

Narinig nyo na ba ang GLAMPING at SPARTY?  Ako kasi last week lang.  Sumisikat na rin kasi sa Pilipinas ang mga ito. 

GLAMPING = Glamorous Camping
Di ba pag nag-ca-camping ka ang dala mo ay isang knapsack kung saan andun ang canned goods, mga damit, abrelata.  Tapos aakyat kayo ng bundok o pupunta ng gubat tapos dun magpi-pitch ng tent.  Well, iba na ngayon.  Kasi nga ang mga tents ngayon nakatayo na.  Di na ikaw ang maglalagay.

Ano bang sleeping bag?  e may kama nga sa tent.  At ang ibang tent ay aircon pa.  At pag nag-GLAMPING ka meron ka pang Butler o waiter.  Wala nga lang TV, kasi naman e di hotel na yon kung meron.

Hanep naman, kakaiba na talaga ngayon.





Wala pa masyado sa Metro Manila na GLAMPING sites.  Sabagay saan ba naman dun puwede mag-GLAMP.  Ang pinakasikat na GLAMPING sites ay sa:
Pamalican Island sa Bohol
Maribago Bluewaters sa Cebu
at Sumilon Bluewater sa Sumilon


SPARTY = SPA PARTY.  So magpa-party kayo sa SPA

Apparently mga 5 years na pala ito sa Pilipinas.  Simple lang ang trip.  Imbes na mag-party kayo sa bar, restaurant o sa bahay - magpaparty kayo sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-spa.  Dati raw madalas sa party ang exclusive girls.  Pero ngayon meron na ring mga co-ed SPARTY.

Kakaiba.


No comments: