(4 na books against a very nationalistic bedsheet)
Medyo matagal na rin ng huling beses nakabasa ng 4 na libro sa loob ng 5 araw. Pag OK ang libro, hahanap ka talaga ng oras para tapusin. Malamang, sinuwerte din sa pagpili at pagbili ng 4 na librong mahirap ibaba.
#1. Straight Talk (on everyday mysteries) by Queena Lee
Matagal na ang librong ito. In fact, 1998 pa nung unang ma-publish ito. At nanalo nga rin ito ng Manila Critics Circle National Book Award. Mahirap kasing hanapin itong libro na ito sa regular bookstore. Di ito fiction, pero hmmm di rin naman non-fiction. Reference? Science Book? Math Book? Ano ba ito?
I guess eto ang OK sa librong ito, mahirap i-describe kung ano nga ba siya. Collection ng mga magagaling na sagot sa mga mahihirap na tanong. Merong mga tanong tungkol sa Math, meron tungkol sa Science, pero mas marami ang tungkol sa buhay-buhay.
Halimbawa ng mga tanong na tinalakay sa libro: Can science prove the existence of God? Is there any evidence or proof that will prove beyond any reasonable doubt that God truly exists? Matindi.
Meron din namang mga cute questions tulad ng Why Doesn't Ice Cream Melt in Ads? at How Long Can you Live Without Food? Really interesting.
2. Hector and the Search for Happiness
ay English transation ng unang libro ni Francois Lelord na Le voyage d'Hector ou la recherche du bonheur. Madaling basahin ang nobelang ito. Para ngang pambata ng konti e. Sabi ng iba para raw itong pinaghalong The Alchemist (ni Coelho) at The Little Prince (ni Saint-Exupery).
Malawak ang audience ng book na ito. Puwede kasi itong pambata, pang-teenager, pang-matanda, pati na rin sa mga Senior Citizens. Kaya siguro mga 2 Million Copies na ang nabenta nito.
Kuwento ito ng isang psychiatrist na naglakbay sa buong mundo para mag-research sa tunay na kahulugan ng Happiness. Ang kakaiba sa libro ay ang language na ginamit. Sobrang simple, walang malalalim na salita.
Another very unique characteristic of Hector and the Search for Happiness ay ang pag-iwas nito sa paggamit ng Proper Nouns, lalo na sa pag-describe ng bansa o nationality. Example ay ang pagbanggit niya ng "Country of More" hehe. Ganito rin niya dinescribe ang bansa ni Djamila: "she came from an equally beautiful country, where people a little older than Hector would have gone on holiday where they were young, because you could smoke weed in the midst of magnificent mountains".
Ang misteryo para sa akin ay kung Pilipinas ba ang bansang dinedescribe niya na bansa nung mga babae na merong oilcloths sa China?
Astig ang simula nung novel, lalo na ang kanyang Happiness Lesson #1 : Making comparisons can spoil your happiness. Kakaiba rin na ma-develop ang lesson na ito sa Business Class section ng isang eroplano. (or ayon sa libro: the part of the plane when you would normally need to pay more).
Haaay, ang ending. It is not really that bad. Kaya lang parang iniisip na nila kung paano gagawing eksena sa pelikula ang last part na ito. Para kang nagbasa ng script bila, kesa ending ng nobela.
95 pesos kasi ang libro. Saka interesting naman ang mga articles ni Ambeth sa Inquirer. So give it a chance.
Kung mahilig sa tsismis at mahilig sa history, panalo ang librong ito. Madaling bashahin, kasi divided into very short articles. At saka nga may kasama pang juicy tsismis sa kasaysayan. Alam nyo bang nagkaroon pala ng kabit si Gen. Douglas MacArthur? At dinala pa niya sa US?
Biggest expose would be anecdotes on Pres. Manuel Quezon about his dismissal of a judge for not consummating his love, ang pagmumura sa mamang duling, at ang pagsabi nya sa isang kababayan na humigop ng sawsawan ng kamay na "Puneta, Hindi yan iniinom, hugasan yan".
Intriguing, Exciting, Hilarious. Adjectives I never thought i would use to describe a History book.
#4. It's a Mens World by Bebang Siy
Di po mali ang spelling. Talagang ganyan ang title, dahil ang unang kuwento sa libro ay tungkol sa unang ni-regla ang kapatid ng author. At kung saan sinabihin siya ng "Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mos sa mo iyong panty. Tapos sabihin mo. sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo".
Ayos, Chapter 1 pa lang yan.
Marami pang parang ganyang kuwento sa librong ito na compilationg mga maiikling kuwento sa wikang Filipino. Matatas at malikhain.
Actually may Book #5. Lumayo ka Man sa Akin ni Bob Ong
Ang problema di ako makalagpas sa page 6 sa librong ito. Haaaay. I am 0 for 3 para kay Bob Ong. Wala akong natapos sa mga libro niya. Di siguro bagay sakin, di ko ma-gets.
Naaalala ko ang panonood ko ng pelikulang Avengers ni Fiennes at Thurman. Walk-out din ako after 15 minutes. Di ko sure kung matatapos ko ito.
Lagi akong umaasa na makapag-basa ng mga librong asa Filipino. OK naman ang kay Bebang Siy, natapos ko rin iyong dalawang libro ni Eros Atalia, pero di kaya ng brain powers ko ito.
Sorry walang review na mangyayari.
No comments:
Post a Comment