Tuesday, January 17, 2012

Sinulog at Cebu Sports Center

Nung papagabi na, di na namin tinapos ang parada, pumunta na kami sa Cebu Sports Center.  Dito kasi mag-pe-perform ang mga contestants.  Mga lagpas 100 daw ang sumali this year.  Libre ang tiket namin, kasi sponsor ang kumpanya namin.



After the performances, merong fireworks.  Actually di ko na nga napansin ang fireworks.  Dahil, gusto na naming lumabas para di kasabay ang mga tao.  Napansin ko na napakarami talagang tao dun.  Di na nga yung fireworks ang pinic-turean ko e.  May fireworks naman sa ibang lugar.  pero ang ganito karaming tao, ang dito lang ata makikita sa lugar na ito.  Kaya naman pala, mga 4 Million pala ang naki-Sinulog 2012.



Dami talagang tao.  Dito rin ni-launch ang bagong tag-line ng Cebu:  ASEAN City of Culture.  I agree!


Pag dating ko sa bahay ng Lunes, inaabangan ko ang balita.  Baka may coverage kasi ang kumpanya namin.

Hmmm.  binalita ang bus na umiwas sa motor at nabangga ang isang bus.  Tapos binalita din na umulan ng isda sa Agusan.  Pero wow, wala man lang isang balita tungkol sa Sinulog.  Sabi nila binalita raw ang Sinulog nung Sunday, pero sino naman ang nanunuod ng balita pag Sunday di ba?

So ganito pala ang feeling ng mga hindi taga-Manila.  Iyong Nazareno maghapon magdamag at ilang araw ang coverage.  Pero ang Sinulog 0 coverage sa primetime news nung Lunes.

No comments: