So ano kaya ang susunod na magiging pinaka-sikat na game?
Ang Plants vs. Zombies ay unang lumabas nung 2009. Ang ganitong laro ay tinatawag na "Tower Defense" na uri ng laro. Nag-bu-build ka kasi ng defense sa paggamit ng mga plants laban sa umaatakeng mga zombies.
Ang Plants vs. Zombies ang pinakasikat at pinaka-successful na video game na gawa ng PopCap. Tinatayang lagpas 1Billion na tayo sa buong mundo ang nakalaro na nito. May cute appeal kasi ito e, kaya nga patok sa mga bata pero patok din sa mga matatanda.
December 2009 naman unang lumabas ang Angry Birds. Sinasabi ngang ito na ang mas malking import ng bansang Finland, kasi di ba papalubog na ang Nokia. Tinatayang 700 Million na tao sa buong mundo ang nakalaro na ng Angry Birds.
Sa striktong klasipikasyon ng mga laro, eto ay isang "Video Puzzle Game". Gagamit ka kasi ng konting strategy, konting physics, at maraming suwerte para matamaan ang mga baboy, sa pamamagitan ng kakaibang tirador.
Ang PvZ at Angry Birds, parehas simpleng laro na merong magandang graphics. Ang Angry Birds meron pa ngang parang back-end story - eto yung ninakaw ng mga baboy ang mga itlog ng mga birds. Pero ang PvZ, mas straight-forward. Lulusob ang mga zombies, kaya kelangan mong depensahan ang bahay mo. Parehas hindi mahirap matutunang laruin, at may addiction factor.
Sa PvZ, dahil sa dami ng Plants na puwedeng gamitin, parang milyon-milyong combinasyon ng laro ang meron. Ang Angry Birds naman, e madali na mahirap. Simple lang naman kasi ang dapat mong gawin, tiradorin ang mga baboy. Kaso yun nga, kelangan ng precision, o malakas na tsamba.
Ano kaya ang next game craze? Will it be Temple Run? Pansin ko kasi ang daming naglalaro nito. Di ito defense, di rin ito puzzle game. Parang adventure naman. Simple din ang concept, at may adik factor din. Sobrang dali ng simula, pero pag na-addict ka na, yun na pahirap na ng pahirap talaga, so nakaka-engganyo talagang maglaro.
Malaki ang chances na eto na nga ang susunod na Hot Video Game.
No comments:
Post a Comment