Sunday, January 8, 2012

It's more fun in the Philippines

Walang pinalagpas na araw ang Pinoy netizens para sa pag-re-ak sa bagong slogan ng Department of Tourism: "It's more fun in the Philippines".  Nagkalat na ang mga comments, pagpuri, o panlalait sa twitter o facebook o sa mga blogs.

Naglabas nga ng article ang Inquirer tungkol dito.  At sa inquirer nga galing ang collage picture sa ibaba.  Natawa naman ako sa "Death by My Way".  Pero sobrang cute naman ng Tweeting na poster.



Para sa akin, OK naman ang bagong slogan.  It could be a very good base platform for future initiatives and idea.  Pag meron kaming mga foreigners na bisita, and comment nila parati ay "I had fun in the Philippines".  So I guess, may katuwiran naman ang slogan.

Ang isa sa mga puna tungkol sa "it's more fun in the Philippines" ay ang panggagaya nito sa 1950s slogan ng Switzerland.  (ang picture sa ibaba ay galing din sa Inquirer). 

Nakapunta na ko sa Switzerland at sobrang ganda talaga dun.  Sobrang high-tech, sobrang efficient, sobrang mahal.  Pero naman, di ko ata masasabing fun sa Switzerland. 



Tingin ko bagay na bagay ang More fun sa Pilipinas.  Kasi totoo naman.  We are fun-loving people.  And the whole Philippines is mostly fun.  Of course may exceptions, lagi naman.  Well, sabihin na rin natin na ang exception na yan ay tulad ng Sun-tanning sa Switzerland.  Gosh!!!

Approve sakin ang bagong slogan.  It can be a great springboard for more DOT activities.

Tignan ang mga creative posters.  Galing sa facebook ni Asec Bo (friend ng friend ko sa FB).



No comments: