Thursday, January 26, 2012

Mga Suwerte sa Year of the Water Dragon 2012



Marami ang excited sa 2012, dahil nga Year of the Dragon ito.  Umaasa na may suwerteng dala ang bagong taon.  Tingin ko kasi, pag mas masipag ang tao, mas suwerte siya.  So sana hinay-hinay din sa pagbabasa ng mga zodiac horoscope para sa taong ito.

So tulad taon-taon, pinagkumpara ang mga prediksyon sa ibat-ibang webpages at books at eto nga ang summary.  Again, sana tignan ang horoscope bilang form of entertainment.  Ang saya kasi di ba?  Lalo kung sasabihing suwerte ka this year. 

Ang 2012 nga raw kasi ay sinasabing flamboyant na taon.  Di naman exactly masagana, pero parang magarbo ba.  OK daw ang 2012 para sa negosyo, lalo na yung magsisimula pa lang.  OK din daw itong taon ng pagpapakasal. 



Masuwerte daw sa taong ito, syempre ang mga pinanganak na may sign na Dragon.  Sila iyong pinanganak nuong  1904, 1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, at syempre ngayong 2012. 

Yun nga suwerte nga raw sa business o trabaho ang mga Dragons this year.  OK ang pasok ng pera, generally speaking.  Ang problema, posibleng maging magarbo o magastos ang mga Dragons this year.  Marami ngang pera e.  So ayun, busisiing mabuti ang paggastos.  

Very good nga rin daw ang pagpapapakasal para sa mga Dragons ngayong 2012.  Kaso nga maraming temptation din ngayong 2012.  =).  mag-ingat.

Ang mga signs na suwerte sa taong 2012 ayon sa 10 webpages ay:  Rat at Snake.  Silang dalawa kasama ng dragon ang consistent na sinasabhing suwerte.  Sino ba mga Rat ang Snakes diyan?

Huwag na nating sabihin kung sino ang malas this year ha.  Mag-ingat na lang palagi.  Basta ang Dragon, Rat at Snake daw ang merong extrang suwerte this year.  Kung hindi kayo sa tatlong ito tulad ko, aba baka ibig sabihin e magtrabaho o mag-aral ng mas mabuti.   

Tingin ko (opinyon lang naman), tao ang gumagawa ng sariling suwerte.  Hindi kung ng anuman, o Sino man. Yun lang =) 




3 comments:

Evot said...

ako eh year of the Rat...pero ang ganda ng 1st day ng year of the dragon sakin kasi I got my first speeding ticket... :(
i dont know kung swerte ba talaga ang rat sa year of the dragon..kung sweswertehin eh mas ok.

Anonymous said...

very RWM ang mga pics. :)

Anonymous said...

Bakit madali magalit Ang year of the dragon?