Wednesday, February 4, 2009

VIDEO GAMES

TOP RATED PSP GAMES of 2008
5) Secret Agent Clark
4) Pinball Hall of Fame: The Williams Collection
3) Patapon
2) Crisis Core: Final Fantasy VII
1) God of War

TOP BEST GAMES OF 2009
10) Deadspace (PS3)
9) Gears of War 2 (X360)
8) World of Goo (WII)
7) Resistance 2 (PS3)
6) World of Warcraft: Wrath of the Lich King ((PC)
5) Shin Megami Tensei: Persona 4 (PS2)
4) Super Smash Bros. Brawl (WII)
3) Braid (X360)
2) Grand Theft Auto (X360, PS3, PC)
1) Metal Gear Solid 4 (PS3)

ONLINE VIDEO PLAYER's CHOICE OF ALL TIME

10. Shenmue (SEGA)
9. Resident Evil IV (All)
8. Metal Gear Solid (PSX)
7. GoldenEye 007 (Nintendo)
6. Super Metroid (NIntendo)
5. Metal Gear Solid 3: Snake Eater (PS2)
4. The Legend of Zelda (NIntendo)
3. Soulcalibur (SEGA)
2. Chronotrigger (Nintendo)
1. The Legend of Zelda: Ocarina of Time

Tuesday, February 3, 2009

Saang GENERATION ka?

Paano ba makatungo sa mga tao mula sa iba't ibang henerasyon sa trabaho, sa pamilya?

Taon ng Kapanganakan: Generation
2000- kasalukuyan: Generation Z
1981-2000 – Generation Y
1966-1980 – Generation X
1940-1965 – Baby Boomer Generation

Isa-isahin natin...

Generation Y or PB 3rd Generation
Ang Generation X ay tinatwag ding NET-GEN o Net Generation dahil karamihan sa kanila ay merong access sa computer at internet. Tinatayang ¼ ng buhay ng Generation Y ay on-line.

Eto ang summary ng pag-uugali ng Generation Y
- Di mahilig sa kompetisyon o mga contest. Gusto nila lahat puwedeng manalo o maging honor student.
- Gusto nila ng mabilisan at madalas na feedback. Example: sa panahon ng Generation Y nauso ang mga STAR at SMILEY stamp sa kamay ng bata sa eskuwelahan. Dito rin nauso na merong GOLD, SILVER at BRONZE medals – at kadalasan lagpas 10 ang mga nagiging honor students.
- Mahilig sa extra-curricular activities. Para sa kanila di lang enough na magaling ka sa academics, dapat may iba ka pa ring alam.
- May pagka-mainipin. Laging naghahanap ng ginagawa at gagawin
- May natural na tendency na maging environmentalist
- Sa trabaho, gusto nila na parati silang may personal time o oras para sa sarili, di lang puro trabaho. WORK-LIFE Balance kung baga

Generation X or PB 2nd Generation

Mas competitive ang Generation X, at mas sanay sila na merong nananalo at natatalo. Ang henerasyon na ito ay malapit sa pamilya, pero may tendency na MAGREBELDE sa magulang, maski isang beses lang. Mahilig din sila sap era at sa mga usaping pera.

Eto ang summary ng pag-uugali ng Generation X
- Grabeng magtrabaho. Minsan nga asa bahay na nagtratrabaho pa rin.
- Naghahangad ng 'flexibility' sa trabaho. Oo nga’t grabe magtrabaho, pero mas gusto nila na sila magsasabi kung paano magtrabaho.
- Sobrang importante sa kanila ang pakikisama sa mga ka-trabaho.
- Masipag mag-aral, at iniisip na sobrang importante ng edukasyon
- Mahilig mag-duda. Mahilig mag-experiment.

BABY BOOMER or PB 1st Generation

Ang baby-boomer generation ay pormal at sobrang conservative. Mataas ang pagpapahalaga nila sa posisyon ng tao, sa pinag-aralan at sa kalagayan ng tao sa lipunan.

Eto ang summary ng pag-uugali ng mga Baby Boomers
- Mataas ang tingin nila sa edukasyon. Kaya madalas nilang pinapa-frame ang kanilang diploma at pati ng mga anak nila
- Gusto nilang ng trabaho kung saan puwede silang sumikat.
- Mas gusto nila na pinupuri sila sa harap ng maraming tao.
- Natural na SOSYALIN sila. Mahilig sila sa mga magagandang bagay, at mag-iipon ng pera para bumili ng maganda maski mas mahal.
- Mga relihiyosong tao. Sobrang importante ang kanilang personal na relasyon sa Diyos.
- Mataas din ang tingin nila sa kanilang generation. In fact, madalas natin silang marinig na nagsasabi ng “ Nung Panahon namin…”
- May pagka-negative nga pala sila. Iniisip muna nila ang mga hindi puwedeng mangyari at ang mga puwedeng pumalpak, bago ang mga positibo.

GENERATION Z

Mga bata pa ang mga GENERATION Z, kaya ang kanilang pag-uuagali ay nag-e-evolve at binabantayan pa. Pero eto ang sinsasabi tungkol sa kanila:

- Sila ang nagdidikta kung ano ang binibili: pagkain man, gamit sa bahay. Kilala na nila ang tatak.
- Mahilig sila sa 'structure' o sa 'schedule'. Pag oras na ng gusto nilang palabas, dapat manuod na sila ng TV.
- Ang tinatayang suliranin: di sila masyadong pala-kaibigan. Sanay silang maglaro mag-isa at gumawa ng mga bagay na sila lang.
- Marami rin sa kanila na ang pangarap ay maging "celebrity"

KISAY at ang KONTROBERSYAL na BLOG

Mahigit isang buwan na ng unang lumabas sa balita. Ang headline: ESTUDYANTE NG QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL(KISAY) SINUSPINDE DAHIL SA BLOG.

Kontrobersyal nga raw kasi ang laman ng blog. Halos isang buwan na ang lumipas, nasa balita pa rin. This time ang principal daw ay lilipat ng eskuwelahan. Naging kumplekado na ang isyu.

Sino ba ang nasa tama: ang principal o ang estudyante na nag-blog. Kayo na ang humusga...

http://scientiaetvirtus.multiply.com,
contains articles and images against QCSHS Pres. Zenaida P. Sadsad’s policies as well as the students’ gripes over irregular lunch hours, required subjects, among others.

Monday, February 2, 2009

LAGLAGAN Part 2 - MAY TAMA KA

I Tried. Nagpakabait sa mga posts for one day, para positive energy, pero di rin naman. So, balik na sa dati at LAGLAGAN na naman hehe.

Sabagay, baka sabihin ng iba ay di natin sila mahal dahil di natin sila ino-okray. So para sa pagkapantay-pantay ang pagmamahal, eto na ang LAGLAGAN Part 2. mwahahaha.
**************************

Minsan ang TAMA o MALI ay nasa opinyon ng tao. BEAUTY is in the eye of the beholder ika nga. Talaga? Then let's see if it applies with these pictures...

EXHIBIT #1 - TAMA BA NAMANG mag white socks at saka denim shorts??? Ano ba itong compound BOWLINGAN?




EXHIBIT #2 - Para magmukhang mayaman, TAMA BA NAMANG iTERNO ang DAMIT mo sa TELEPONO, sa KURTINA, sa LAMPARA, at pati sa BALLUSTER ng 2nd Floor?

(ilaglag na nga natin si Ate para mag-blog na rin, parang yung kay Par hehe)



EXHIBIT #3 - TAMA ang magtipid. Pero, TAMA BA NAMAN na mag-SUMMER OUTING sa swimming pool na di pa tapos? E di pa nga tapos ang palitada dun sa mga HOLLOW BLOCKS. Parang di kayo mukhang mayaman nyan.

Tama bang mag-swimming pag bagong pakulot? Patay na naman ako, lalo ng hindi mag-blo-blog si Nanay.



EXHIBIT #4 - Sa gitna ng pool, TAMA BA NAMANG magsuot ng... hahaha AYOKONG ITULOY. Kayo na lang ang mag-fill-in-the-blanks.

Teka, pool ba yon? Puro tao ha!



EXHIBIT # 5. TAMA BA NAMANG mag-tulugan at mag-ISMIRAN sa loob ng simbahan habang binibinyagan ang pinsan mo?




EXHIBIT #6. TAMA BA NAMANG talbugan mo ang kapatid mo sa SPECIAL 7th BDay nya? TAMA BA NAMANG mag-scarf e tirik na tirik ang araw.

Para malaman kung papatalbog ba talaga si CAMAE, please mark your calendars on Sunday, Feb 15 at 11AM at Las Pinas. TATAMAAN kaya ako sa mga nilaglag ko?

Sunday, February 1, 2009

CUTE

Correction: Year was 1995 not 1985. Thanks for Karen for also pointing this out. Karen, pinanganak ka na ba ng 1985?

Kontrahin nga natin ang mga negative happenings sa environment. Cute pics. Happy Thoughts para positive energy

My first question was asan si Camae and Ia? And then I realized that the year was 1995, mga babies pa sila nun. Sorry Aix for the sleeping pic, pero cute ka pa rin.

First row: John, Di, Carlo, MM
2nd Row: Kevs, Aix, Karen, Kriz
3rd Row: JE, Cake, James



Another cute pic. They were holding the breakdance pose for 30 seconds. Kung tama ang ala-ala ko this was during Kat's 7th bday.

Unyoy and Rap holding on.


Great Shot! And you could see how high their jumps were. Very nice. This is from one of Palawan's nicest beaches.

Aix, Karen and Camae. Fantastic jump and even more fantastic poses.

Puwes, eto mga Yagit

Medyo kakagulat ang resulta ng poll. Iisipin mong medyo close fight, pero overwhelming result at... to the contrary.



Para opisyal na tapusin ang linggo ng mga larawan ng "mahihirap". Maski na OK ang damit, e di pala matatago ang mukhang NALUGI. Wala na atang mas mukhang mahirap kesa sa picture na ito.

LIVE WEBCAM, AUDIO CHAT WITH TITO BOYET

SUCCESS!

Ang importante e naligayahan ang mga nag-cha-chat. May pros and cons of course, pero at least nagkakitahan at nagkarinigan.

Sa susunod na chat

- ganito uli?
- puwedeng baguhin?
- puwedeng improve?

Wala ng makakaalam

Sa loob ng dalawang linggo, lagpas 500 pictures na ata ang na-scan namin ni Carl. Marami dun nakita nyo na, pero marami ang mga special pics.

Simulan natin ang February ng masaya. Eto ang isa sa pinakamasayang pic na na-scan namin. Hula ko mga 17 years ago. Di ko sigurado kung saan ito, di ko sigurado kung kelan. Di ko nga sigurado kung pati sila naalala nila kung bakit.

Basta masaya. Sana ay mapasaya nilang tatlo ang buong Pebrero niyo.