Sunday, January 3, 2010

3G December Outing - Part 1

Humataw ang 3G the past months sa kakagimik.  Let's look at them.



Hmmmm.  Pag-20pesos ang binayad, eto ang mananakot sa Haunted House.



Sa Enchanted Kingdom, merong high-tech na rollercoaster na Space Shuttle, Anchors Away, at Rio Grande.  Pero syempre pinili ni Ayka at Kriza ang mag-swing.  hehehe





Si Rap-Rap naka-pangkasal na long sleeves.  Si Kriza naka-tube with Cardigan.  Bakit naman nakapambahay si Kevin.  Sabagay, ang chika e maraming girls ang nahuhumaling sa kanya, so baka ito ang dapat porma -- feel at home.




Maski parehong Bente-Dos Anyos na, BFF pa rin.  aaaaaaaaaah.

Saturday, January 2, 2010

Tito Jorge, Tita Helen & Ia in Japan

Tito Jorge with Ia at the Narita Airport.




Merry Christmas with 7-11 Jap crews

(Tito Jorge, umuulan ba sa labas?  Parang nabasa po ang buhok nyo)


Noche Buena - the Japanese way

(talagang Lising family, maski sa Japan merong halaya)



Tita Helen and Ia at the Shinjuku Train Station


(ang Shinjuku Train Station ang busiest sa buong mundo.  Andito rin ang fastest train in the whole world ang Shinkansen.  Ang world record speed dito ay 581 kmh.  Grabe sa bilis.)



At the door of the Asakusa Temple

(Asakusa used to be the Entertainment Capital of Japan.  Ito rin ang oldest Geisha district sa buong Japan.  Hanggang ngayon meron pa ring geisha's dun)



MJ doing anti-gravity move near Japanese temple


(First, in Bangkok then Las Pinas, now MJ conquers Japan)


With Tokyo Tower as background





Drinking Coffee Inside Tokyo Tower

(sama kami!)

PB New Year's Party - Part 4

#4 - Raffle
- The big winner of the night was Lolipot.  Parang first time lang ata nangyari ito Lolipot, ano?  Congratulations po!

- Si Tito ay Ido nag-pa-raffle ng una.  At yun na nga si Lolipot ang grand-prize winner and Tita Ate was runner-up winner.  Nice!  Winners din si Tita Dang, Tita Vangie, never pa ata silang manalo sa anumang raffle so Congratulations talaga.

- Sabi ni Tita Edith, wala talaga syang balak magpa-raffle.  Kaso para raw ayaw magsigalaw ng buong PB after nung raffle ni Tito Ido.  So yes, medyo napilitan pa pala sya ng lagay na yon.

- Si Camae na mismo ang nagsabi na "ano bang wallet yan, hindi nauubusan ng laman".  Totoo, para talagang may instant refill, daig pa ang bottomless iced-tea.

- Congratulations to Kevin for being the big winner.  Congrats din kay Carl at kay Ayka, kasama sila sa mga huling nabunot.

- Diane, huwag ka ng malungkot sa napanalunan mo.  Think positive na lang.  Magkaisa na lang tayong mga nakabunot ng 30 pesos and lower.  Sabi mo nga magpapapayat ka this year, so malay mo ang perang napanalunan mo baka ibili mo lang ng pagkain.

PB New Year's Party - Part 3

#3 - Games
- Thanks kay Tita Yet sa pagsisimula at sa pag-prepare ng maraming games.  Sobrang busy talaga niya buong hapon ano?

TAWANAN CONTEST

- Daming bago na games, including nga iyong 1st game na kontest patawanin ang kalaban.  Sabi ni Tita Yet, kay Tito Jim daw ang game na ito. 

- Wala talagang pag-asang manalo ang girls sa larong ito e.  Ganito kasi yan, ang mga mayayaman mababaw ang kaligayahan, tignan nyo na lang si Karen, Camae at Kathleen.  Ano ba yun, wala namang ginagawa ang kalaban bungisngis na.  Wala nga masyado ginawa mga boys e, kaya landslide victory tuloy.

- Pero not sure kung napansin nyo ang performance ni Andrei ha.  Amazing di ba?  Seryoso kung seryoso at kakatawa naman pag nagpapatawa.  Partida, 5 years old lang yan ha.  Malayo ang mararating ng batang ito sa mga children's party at PB gatherings.













ANIMAL GAMES
- Impressive ang performance ng 4Gs (at mga little 3Gs) ha.  Ang gagaling nila, considering ang liliit pa.  Baka ang talent at galing ay nag-skip ng generation (mwa hahaha).

- Ilang taon na ba si Pia?  Syempre di nya alam ang spelling ng elephant, e ang haba nun.  Pero alam kaya nya kung aling word ang elephant at alin ang snake.  Amazing di ba?  Ang aking fearless forecast, balang araw si Pia ang magiging tirador ng mga Papila-spelling ni Tito Ido.





PB New Year's Party Part 2

#2 - Miscellaneous

New Year's attire
- Alam kong marami ang nagkumahog nung a-30 at a-31 para magshopping ng kanilang attire with the New Year's motiff.  Kasama na rito si Tita Edith.  Actually, siya nga ang may pakana nun e, pero nalimutan niya hihihi.  Pero buti na lang at nag-effort mag-attire ang marami ayan nagpa-raffle tuloy si Tita Edith.

- Kelangan natin parangalan ang Purple Team.  Ang ganda ng kanilang attire.  Kitang-kita sila at talagang unique ang pagkakakilanlan(identity).  Mahusay!  Kaso wala naman premyo yun e.  hehehe.  OK din naman ang mga attire ng mga Green at Red at syempre yung mga nag-Polka Dots at bilog.  Sige na nga isama na rin natin ang nag-black and white.  By the way, ang suwerteng color daw for 2010 ay Blue and Brown. a-nye-nye =).

- Pero sorry na lang sa ibang Purple Team members, dahil si Tita Vangie talaga ang pinakamaganda sa personal at lalo na sa picture.  Sorry po Tiyang, Imelda naman kayo nung Dec 20 e. =).

Venue
- Lalong gumaganda ang bahay nila Tito Egay at Tita Dang.  Ewan, pero parang lalong nagmukhang malaki, lalo na yung lawn. 

- Ganda rin nung garden nila ano?  Sabi ko nga kay Tito Egay, wow Tito Egay nice naman nito, si Tita Dang ba ang gumawa nyan.  Well, hulaan nyo na lang ang sagot nya hehehe.

PB New Year's Party

Walang plano, walang agenda, walang pilahan. Pero sobrang saya pa rin ng 2010 New Year's Party. Once again, asahan ang PB to step-up sa kawalan.


Let us count the ways....

#1) Food

- For the first time, magsisimula tayo sa food. Sa English, ito ay "embarrassment of riches". Ibig sabihin ay halos nakakahiya ng pakita ng kayamanan. hahaha.

- Ano bang lechon yan? alas-8 na ng gabi malutong pa rin? Pambihira. At ang lasa...simply divine. Sakto ang alat, tamis at ang pangontrang lemongrass. Thanks Tito Par for this memorable dish.

- Actually galing din kina Par at Ate Bhogs ang sandamakmak na fruits (nag-uwi kayo ano?), at ang mga champagne.

- And...merong barbecue at merong barbecue from Lolipot and Tita Edith. Aside from sobrang sarap, para rin itong pitaka ni Ate Edith...Bottomless. Di ko na nabilang kung ilang barbecue ang nakain ni C_____ at ni D____, pero grabe naman ito self-generating.

- Patok din ang Kare-kare ala Tagaytay ni Lola Tiyang and also the crispy deep-fried hito ni Tito Jim at Tita Vangie. Yum yum, obvious ba sold-out talaga dahil authentic na original pa, sabi nga ni Tito Jim.  Pati ang nilagang grasses and plants e panalo din.

- Iyong dinuguan din pala from Lola Maam e sobrang yummy. Whether partneran ng puto or kanin. In fact, guess nyo nga kung sino pala ang kilabot ng dinuguan - 4 letters lang =).

- Ate's Molo Soup was a winner both taste-wise and even visually. Dib a karaniwan na sa molo soup ang nagkaka-lasog-lasog, pero iba ito – masarap na, maganda pa.

- Ilan bang bote ng sopisdrinks ang prine-pare ni Tito Egay at Tita Dang. Di ko na isisiwalat kung sino ang mga kilabot ng Coke dahil isa ako dun, pero grabe naman ang unending supply na ito.

- Natikman nyo ba ang sikat na suman? Grabe naman sa sarap iyong galapong na suman. Hirap i-describe ang laso, pero kumpleto, suman pa lang ulam na. Kaso di na ko nakakain nung isang flavor, masarap din ba?

- Pati yung mani ansarap di ba?  PLease lang huwag ng plastic e inupakan natin iyon habang nagpapalaro.

So ayan. Food pa lang nung New Year’s e isang blogpost na.

Friday, January 1, 2010

Ceasefire sa New Year

Kung ang gobyerno nga at mga NPA at Abu Sayyaf ay nag-ceasefire... syempre ang ube, kamoteng gubat at halaya ay nagkaisa rin para sa new year.





Happy New Year Party kila Tito Egay @ Los Banos

Yehey!  PB goes to Los Banos on January 1, 2010.

Eto ang mga sequence ng pagdating ng mga guests.
1)  Ditse, Nanay, Lola Maam, Ate,Tito Ido, Tito Ayo.  Unbelievable first place kami!
2)  Tito Par, Tita Bhogs and KKA
3)  Lising Family (in purple)
4)  Lolipot, Tita Edith and Family
5) Tito One, Tita Eyan and family





Ditse, Nanay ang Lola Maam - mabulaklak.




Tita Bhogs arrived with lots of goodies - from kakanin, to oranges, to sosyal champagne and ...




Tito Par's sosi Lechon Roll.  Boneless na Crispy Lechon.  Yum Yum.  A first time for PB.  Mukhang masarap.





Pia and Stich.



Team Halaya arrives




The red team has arrived.