Wednesday, November 3, 2010

Pilahan Question for Pres. Edith

Dear Pres. Tita Edith,

Eto po ang mga sumasalubong sa inyong question tungkol sa Pilahan.  May nagtatanong na po kasi, baka puwede nyo po desisyonan.

1) Pipila po ba ang PB abroad?  Magpapapila po ba ang PB abroad?

2) Pipila po ba si Kriza (on training), Kevin (reviewing), Tita Che-che (internation student na matanda)

3) Meron pong suggestion si "Gustong Pumila", pakibasa po at paki-sabi ang opinyon nyo.

Salamat po.

COMMENT from Gustong Pumila

Malapit na kasi ang Pasko, so bumabalik na naman ang usapan sa pilahan.  Merong  interesting comment:

"Pwede bang ang lahat ng "bukal" sa kalooban magpapila ay magpapila, madaming pera o wala, taga abroad man o hindi :)


At lahat ng may "lakas ng loob (at mnukha)" pumila, gradweyt man o hindi, ay pumila.... hahaha"
So what do you think?  Do you agree?  Gawin na nating ganito? yung mga bukal sa loob ang mga magpapila.  At mga may bukal na lakas na loob ang pipila?  =).

Subukan nga natin, sino po sa mga magpapapila ang bukal na loob?  Ilagay nyo lang ang sagot sa comments.  Salamat!

Tuesday, November 2, 2010

Kuryente at iba pang chika

Ay mali,  di naman pala nag-work si Kriza.  Nag-tra-training siya para sa Nephrology - eto yung sa dialysis.  At di naman pala work - mali ang tsismis.  sorry.  Ibig sabihin nito ay pipila pa rin siya =).  Ngapala, pumayat si Kriza ha - in fairness.

Ang may work pala ay si Tita Yet.  Nagstart siya last week lang.  I mean may corporate work na sya, may work na naman pala siya dati pa.  At mukhang masaya at excited siya sa bagong work niya, dahil kapansin-pansin ang bago niyang sigla =).  Ang balita ay sa may Bicutan daw siya nagtratrabaho - medyo may kalayuan pala.  Good Luck and Congrats Tita Yet.

Sabi ko kay Nanay:  "Kelan na po kayo aalis?".  Sabi niya:  "Bakit mo ba ko pinapaalis?".  Sabi ko: "Eh kesa naman po saka pa, e baka mas mahirapan na kayong bumiyahe nun".  Sabi niya sa Pilipinas daw siya mag-Christmas.  At pag nagbiyahe daw siya - magpapapa-wheel chair service daw siya =).  Astig!

Tinanong namin si Tito Jim kung anong PB Event ang na-miss nya.  Halos di na nya maalala, pero ang sabi niya baka raw yung PB Christmas nung 1988!!!  Grabe.  Ibig sabihin nito lagi present si Tito Jim sa anumang PB birthday, debut, 75thbday, 50thbday, binyag, kasal, reunion, house blessing nung nakaraang 22 years.  Ang galing!  Bilib at saludo kami sa yo Tito Jim!  Isa kang huwaran ng PB.

THEME

Ang theme para sa PB 2010 Christmas Party ay: Panahon sa Pilipinas.  Ito ay suggestion ni Tito Ido, na ninakaw niya sa suggestion ni Tito Ayo, na dinagdagan ni Lola Maam.

Pamagat ay:  "GANITO KAMI NOON, sa PASKONG PB NATIN NGAYON"

Logistics:  Dec 25, 9AM (sharp - meaning 10 am daw sabi ni Tito Jorge) sa Binan.

Grupo:  Ang komiti ang mag-gru-grupo sa buong PB.  Ia-announce ito sa susunod na meeting.

Exchange Gift:   200 pesos worth (puwede rin mas mahal).  At magkakaroon tayo ng WISHLIST.  Ilalabas natin ito nitong buwan ng Nobyembre.  Abangan.

Costume:  Napagkasunduan na magpapagawa tayo ng kakaibang PB t-shirt.  Isusuot ito habang merong games.  Ang costume ng "panahon" ay isusuot bago kumain ng hapunan.  Ibebenta natin ang mga PB t-shirt para sa mga PB abroad hehehe.  Treasurer po ako, so dapat kumita.

Pagkain:  Sobrang na-excite ang PB sa meeting dahil sa mga pagkaing na-assign.  Kasi nga pati food ay binagay sa theme.

Panaho ng Katutubo (pre-colonial):  Soriano Family
Panahon ng Kastila:  Lising Family
Panahon ng Amerikano: Domingo Family
Panahon ng Hapon: Mesina Family

Susunod na Meeting:  Sunday, Nov 28.  @Binan.  9AM Sharp

Happy Birthday MM

Nov 2 is MM's 19th bday.



Happy Birthday to fashionista and picture-adik MM!

Kaninong Speech

Magsimula muna tayong sariwain ang mga PINAKAWALANG-KUWENTANG mga SPEECH sa katatapos lamang ng PB 2010 Eleksyon

WALANG-KUWENTANG SPEECH
1) TITA YET - ano ba yun, nilaglag ang sarili.     Gumamit siya ng "paawa" effect, "panlalait sa sarili", at "maling reasoning".  Lahat kaya ng nominees for President e may trabaho.  In fairness, medyo cute nung sinabi niyang, "sana kasi dapat dati nyo pa ko inelect, nung wala akong work",.  Feeling namin, totoo yon hehehe

2) KEVIN - Corny ang speech nya.  Para nyang sinabi na:  kung may utak kayo huwag nyo akong iboto.  hahaha.  Ano ba yun?  Pero natuwa na rin ako at medyo mabilis ang pagkakasabi niya this time - di naman me nainip this time.  Iyon na nga lang siniraan ang sarili.

3) TITO IDO - arogante at ingrato.  Ni hindi man lang nagpasalamat sa nag-nominate sa kanya.  At puro kayabangan lang ang sinabi. Ang maayos lang niyang nasabi ay pag-amin na sugarol siya, at baka malustay niya ang pera ng PB.

KAKAIBANG SPEECH
1) Tita Dang - "Vote for Ate"  hehehe

2) Tito Egay - masusulat sa kasaysayan ito na pinakakaibang speech.  Again, mahirap talagang ulitin sa pamamagitan ng salita.  Kung di kayo nakapunta ng eleksyon, for sure, handa siyang ulitin yan pag nagkita kayo =).

MAGANDANG SPEECH
1) Tita Yet - nung pag-nominate kay Tita Edith.  Medyo nadismaya si Tiyang, kasi nga di ba 3 linggo nya itong hinintay, pero OK naman ang sinabi ni Tita Yet tungkol sa kakayanan ni Tita Edith.

2) Tiyong - nung pag-nominate kay Tito Egay.  Factual kasi pagkakasabi niya tungkol sa pagkakaroon ng sariling oras, own personal time kungbaga.  Nice.

3) Kevin - nung cinampaign niya si Tita Yet.  Maganda yung sinabi nya tungkol kay Tita Yet about being always prepared pag may PB gatherings.  Nice.

4) Sr. Vicky - nung pag-campaign siya for Ayka. 

5) Tito Jorge and Tita Helen - personally, I liked the saranggola analogy.  Marami rin ang natuwa dahil pro-3G pala talaga sila up to the end talaga - pinaglaban at ibinoto ang mga 3G.

6) Tita Edith - straight to the point, so maikli.  Pero powerful.  Di naman talaga kelangan pahabain ang speech para maging OK.

7) Ayka - personal favorite (kayo rin?).  Nagpasalamat siya sa nag-nominate sa kanya.  At sinabi niyang tinatanggap niya ang nomination.  Maikli lang pero maganda.  Maganda ang pagkakasabi nya kasi.  Lahat kaming proponents ng 3G ay very proud of you Aix!  Very nice speech.

ELEKSYON 2010

Nagsimula ang eleksyon mga bandang alas-3 ng hapon.  Pero bago yon, sandamakmak na alaskahan at kampanyahan muna.

Nagkaroon ng referendum tungkol sa Block Voting or Individual Voting.  Actually medyo tumagal nga ang usapan dito.  May nangampanya, may konting debate.  Sa dulo - e ganun din pala - back to usual.

PRESIDENT
Ang mga na-nominate para sa President ay sina:  Tita Edith (nominated by Tita Yet).  Tito Egay (by Tiyong), Ayka(by Tito Jorge) and Tita Yet (by Kevin).

Unang nagsalita ang mga campaign managers ng mga kandidato.  Si Tita Yet gumawa pa ng slogan para sa ikinakampanya.  Nalimutan ko na exactong words basta tungkol sa pera.  Actually, maganda sinabi ni Tiyong kay Tito Egay.   Sinundan naman ni Tito Jorge ang analogy ni Tita Helen tungkol sa saranggola (yung hinihila at hinahayaan para tumaas).  Sabi naman ni Kevin, si Tita Yet ang pinaka-active sa mga gatherings lalo na sa paggawa ng mga games, so bakit di siya gawing presidente.

After nun, nag-speech na ang mga candidates.  Ang ganda ng speech ni Tita Edith - nagpasalamat siya sa nag-nominate, at straight to the point sinabing OK siyang maging president.  Actually nun pa lang parang nararamdaman na ng lahat na siya ang mananalo.  Maganda rin ang speech ni Ayka - tinanggap nya ang nomination nya.  Naging paborito ng marami ang speech ni Tito Egay =).  (pakitanong nyo na lang po at mahirap i-explain).  Kakaiba naman ang speech ni Tita Yet.

Sa dulo - magnanimous win para kay Tita Edith, bilang President

Vice-President
Naglaban si Ayka at Tita Yet for Vice Presidency.  Medyo landslide victory si Ayka dito.  With matching endorsement and nomination from Sr. Vicky.

Secretary
Si Tita Dang at Tita Ate naman ang nominees.  Ang speech kasi ni Tita Dang ay:  "Vote for Ate".  haha.  So syempre landslide victory

Treasurer
Di umobra ang vote buying, verbal abuse at physical threat.  Nanalo si Tito Ido over Kevin by 1 vote.

 After ng eleksyon, ang daming napag-usapan ano?  Parang natapos natin ang lahat sa loob ng 4 oras - na dati ay inaabot tayo ng magdamag.

Monday, November 1, 2010

Congratulations PB President 2010

Congratulations to the new PB President for 2010!

Tita Edith!


and the rest of the PB-elected officers for 2010-2011 are

Vice President - Ayka
Secretary - Tita Ate
Treasurer - Tito Ido

Ewan nga ba kung Congratulations ang sasabihn sa kanila o Condolence.  Basta yun na yun.  Whatever! =)