Tuesday, November 2, 2010

Kuryente at iba pang chika

Ay mali,  di naman pala nag-work si Kriza.  Nag-tra-training siya para sa Nephrology - eto yung sa dialysis.  At di naman pala work - mali ang tsismis.  sorry.  Ibig sabihin nito ay pipila pa rin siya =).  Ngapala, pumayat si Kriza ha - in fairness.

Ang may work pala ay si Tita Yet.  Nagstart siya last week lang.  I mean may corporate work na sya, may work na naman pala siya dati pa.  At mukhang masaya at excited siya sa bagong work niya, dahil kapansin-pansin ang bago niyang sigla =).  Ang balita ay sa may Bicutan daw siya nagtratrabaho - medyo may kalayuan pala.  Good Luck and Congrats Tita Yet.

Sabi ko kay Nanay:  "Kelan na po kayo aalis?".  Sabi niya:  "Bakit mo ba ko pinapaalis?".  Sabi ko: "Eh kesa naman po saka pa, e baka mas mahirapan na kayong bumiyahe nun".  Sabi niya sa Pilipinas daw siya mag-Christmas.  At pag nagbiyahe daw siya - magpapapa-wheel chair service daw siya =).  Astig!

Tinanong namin si Tito Jim kung anong PB Event ang na-miss nya.  Halos di na nya maalala, pero ang sabi niya baka raw yung PB Christmas nung 1988!!!  Grabe.  Ibig sabihin nito lagi present si Tito Jim sa anumang PB birthday, debut, 75thbday, 50thbday, binyag, kasal, reunion, house blessing nung nakaraang 22 years.  Ang galing!  Bilib at saludo kami sa yo Tito Jim!  Isa kang huwaran ng PB.

4 comments:

evot said...

sa house blessing ng house namin dito lang ata hindi nakaattend si papa...hehehe

che said...

wow congrats ate yet, so happy for you!

ayo said...

congrats ate yet. gogogo

yet said...

Thanks, Ido, Che & Ayo! Moral booster kasi medyo challenging ang role & after 6 years na puro kids ang mga ka-deal! Eto na naman ang mga iba't ibang personality na dapat mong pakibagayan sa isang company. Sana nga matagalan ko ang pressure.