Sunday, November 28, 2010

Reminders para sa PB Christmas

EXCHANGE GIFT
- Minimum 200 Pesos
- Kasali ang buong PB all over the world.  Nagbunutan na po kanina - sasabihan kayo ng kamag-anak kung sino ang nabunto ninyo
- Paano ba magbigay ng gift para sa PB abroad?   hmmm.  marami pong paraan =).
- Maglalabas na rin ng wishlist dito sa blog.  At ng live "wishlist" sa Santan, na ililipat din natin dito sa blog

FOOD on CHRISTMAS DAY
- Will be catered.
- Inintindi po kasi natin ang mga nag-pre-prepare ng food at nagliligpit pag Christmas.  Para maka-relax din po sila at mag-enjoy ng husto sa Dec 25.

COSTUME
- Sa umaga, isusuot natin ang natatanging PB T-shirt.  Salamat kay TIta Eyan for the very nice design.  Salamat din kay Tito Jim na magtatatak ng kakaibang design
- Sa bandang gabi e dun na po mag-co-costume ang mga members ng bawat team ayon sa kanilang grupo
- Buong PB ay merong t-shirt.  Naisip namin na wala ng bayad ang mga t-shirts ng mga PB abroad, tutal lagi nyo naman kaming pinapasalubungan =).  Tama lang po yon.

PRESENTATION
- Sa gabi ng Dec 25.  Ang 4 na grupo ay mag-pre-present.  Maximum 5 minutes.  Syempre, puwedeng mas maikli dun, lalo na kung walang kuwenta hehe.
- Lahat ng miyembro ay kasama sa presentation
- Wala pong restriksyon sa kung anong presentation ng grupo.  Puwedeng song, dance, song and dance, musical, play, video.  Basta po ikapapanalo ninyo.  =).

By the way, uuwi po si Tito Boyet ng Dec 7.  Si Ia naman sa Dec 24. 

1 comment:

EGAY said...

Me guidelines na po ba sa mga presentation?

Also, suggest we make it 10min if ok.