Wednesday, November 10, 2010

BOOKS

Galing sa airport, dala ang 2 bagahe, dinala ako ni Tita Che-Che sa Singapore Expo.  Meron silang IT Expo e - grabe naman sa mga mura ng bilihin.  Iyong LCD na TV - 8,000 pesos!  Paano ko naman iuuwi, di kasya sa maleta.  Ang dami pang mga gadgets na mura.  Sayang kulang sa oras at sa maleta space.

Katabi ng IT Expo ang Book Expo.  Patay!  Eto ang di dapat naming ginagawa.  Yung usapan naming 30 minutes - naku naging 2 oras.  Sobrang mura naman kasi ng mga libro dun. 

Di po exag, pero libo-libo na talaga ang mga libro namin.  So kung meron kayong gustong hiramin paki-sabi nyo lang.  Baka meron kami - OK na OK namin ipahiram.  At kung gusto nyo nga ng Lost Symbol ni Dan Brown, ibibigay ko na sa inyo hehe.

No comments: