Monday, November 22, 2010

Commercial

Isa sa mga pinakasikat na Commercial ngayong 2010 ay ang:  "Sige Sayaw, tuggsh, tkssh, tuggsh, tksssh".  Patok na patok.  Ang problema, 6 na buwan matapos unang lumabas ang commercial - di ko alam kung ano ang cino-commercial niya.  Ang una kong naisip ay San Mig Light =).  Di ko maalalang cornetto pala ito parang walang kinalaman kasi.

OK din ang bagong commercial na SMP.  Medyo mahaba nga lang.  Pero ayos ang storya.  Ang problema, di ko na naman maalala na Nestea pala ang commercial na ito.  Akala ko Coke e.  Kasi di ba meron ng ganito ang commercial ng Coke dati?

Dalawang magandang commercials pero di ko maalala ang produkto.  Ako lang ba ito o kayo rin? 

Ganyan din ang commercials ng Fita, pero yung Fita naaalala ko.  Kasi ata kasama ang Fita sa mismong joke ng commercial.  (Isang Fita na lang naiiwan tapos hinati - kaya kalahati lang ang balato ni Fairy God Mother).  Ang cornetto kasi at Nestea, parang walang kinalaman ang produkto sa commercial.

Well, baka naman ako lang =).

No comments: