Sa trabaho at sa pagbiyahe, suwerte talaga dahil na-meet ko ang past 4 presidents ng bansa.
1) Tita Cory - nakamayan ko siya. Kinapalan ko ang mukha ko nung umaatend siya sa isang Makati Business Club meeting. Nagsalita siya tungkol sa peaceful leadership. Sobrang sincere at makatao, sinabi pa niyang ang ganda ng pangalan ko =).
2) FVR - pinaka-closet encounter. Ako kasi ang host ng company event namin when we had the former President as key note speaker. Since nag-Pangalatok ako, sobrang patok! Kinamayan niya ko, at pinasalamatan ng todo dahil sa introduction. I thought very credible speaker at OK ang sense of humor.
3) Erap - nakamayan ko siya nung Senator pa lang siya. Medyo ang hirap palang makipag-usap sa kanya talaga =). Di ko sure kung magtatagalog ako o mag-i-inggles. Pero para niyang napaka-charming na tao. May arrive kung baga. Di na nya kelangang magsalita.
4) GMA - nakamayan ko siya nung siya ang keynote speaker ng FIlipino COmmunity sa France. Sobrang galing niyang magsalita at medyo magaling mambola talaga - galing nyang pumili ng mga salita na magugustuhan ng mga tao.
Mar Roxas, I also interviewed when he was keynote speaker sa company na. Pero di nga siya nanalo e. Well, di rin sya ang binoto e =). Ang binoto ko, na-meet ko last Thursday. Sobrang simpleng tao lang pala si VP Binay. Medyo mainit ang ulo niya nung una =). Pero nung kinantahan namin siya ng Happy Birthday, bigla na siyang nag-smile ng todo at parang sobrang saya. Sabagay, pagtrabahuhin ka ba ng ganun sa birthday mo.
Dapat si P-Noy ang speaker namin, pero punta siya kasi ng Japan for APEC, so si VP ang nagpunta.
Next time, hanap ng paraan para ma-meet si President Noy. =)
No comments:
Post a Comment