Meron akong nakilala na allergic sa peanuts. Pero puwede siya ng ibang nuts (pili, macadamia, interesting ano). Iba-iba na talaga ang mga allergies ngayon. Ang HIKA pala ay considered allergy din, ngayon ko lang nalaman. Akala ko ang hika ay Psychosomatic. Sa Pilipinas ito ang pinaka-common na allergy kasunod ay Allergic Rhinitis.
Sa PB, di ko sure kung sino ang may mga allergies. Alam ko si Lola Tiyang, bawal ang seafoods pero di ko sure kung allergy iyon o bawal. Parang naalala ko na meron sa PB na allergic sa pollen grains ng mga buklaklak, sino nga yun? Meron din bang allergic sa pusa?
Di ko sure kung puwedeng sabihin na may allergy ako sa gatas, ibang sakit kasi iyon e. Pero allergic ata ako sa pilahan.
Anong allergy niyo?
4 comments:
I think kami ni monica nagkaroon ng allergy sa pollen, especially pag spring at fall dito grabe!!! maga ung mata at super barado nag ilong halos di makahinga at hatshing. Nadedevelop ba ang allergy? Kasi nun nasa pinas kami lalo na ako, la naman Ito...
ay oo nga. Sa US at Canada nga raw ang daming allergic sa pollen. Yan ang allergy na pang-sosyal! Siguro dahil kakaiba ang mga halaman diyan. Kaya pala ang daming produkto dyan na anti-allergy.
benadryl lang katapat nyan tita tetes!....tulog ka nga lang...
ang mahirap alergy ang bulsa ko sa pera , kaya walang pera !
Post a Comment