Saturday, November 20, 2010

Theme sa Pagkain

Di nga pala ganun kadali ang theme this year ano =).  Ang hirap ata ang pagkain at mas mahirap pa ang presentations. 

Food
Madali sana ang American Food.  Very familiar - hamburgers, sandwiches.  Pero mahirap ata for lunch or dinner.  Wala akong maisip na isang good American dish.  Maybe Turkey.  Ang madali dito, paborito ito ng mga bata for sure. 

Mahirap din ang Spanish dishes.  Ayon sa Spanish Food na website, eto raw ang Top 10 Spanish Food:
1) Cochinillo Asado - Roast Suckling Pig.  Meron nito sa Casa Armas sobrang sarap!
2) Pulpo a la Gallega - Mediterrenean Octopus Dish (sarap!)
3) Gambas Ajillo - parang garlic prawns (OK ito sa Gaudi restaurant sa Fort o sa GB3)
4) Jamon Iberico - sobrang OK na tapa
5) Paella - alam na natin ito
6-10)  Pescado Frito, Tortilla Espanola, Gaspacho (cold soup! - di masarap ito huwag na lang hehe), Queso Manchego (Cheese from Sheep), Patatas Bravas

Katutubong Pinoy food ang naging pinakamadali =).  Lahat ng inihaw na hayop papasok sa category na ito.  hehe.  Hindi totoo ang paniniwala na primitive ang mga Pilipino noong 1400-1500.  Maunlad ang Pilipinas nuon.  Maayos na City ang Manila nun pa man.  Ibig sabihin maunlad din ang pagkain ng mga tao.  Ang impluwensiya ay Indonesian at Malay - Muslim tayong lahat nuon.  So asahan na ganito ang impluwensiya ng pagkain galing sa mga taong 1400-1500.

Sikat na rin ang Japanese food sa Pilipinas.  Ang dami na ring Teriyaki Boy kasi.  Para sa mga Pinoy, ang pinakasikat na Japanese food ay ang Tempura at Teriyaki.  Sikat din ang California Maki, na actually di naman Japanese at sinusuka nga nila =).  Pero ok na rin basta masarap.  Shabu-Shabu ay Chinese talaga, pero meron din namang version ang Korean at Japanese nito so puwede rin.  OK din ang Teppanyaki at Sukiyaki at syempre mga sushi at sahimi.  Yum yum.  Ia, anong favorite mong Japanese food?

So sana maging authentic ang mga dishes sa Dec 25, at may sampling pa nga sa Nov 28.  Kung anupaman, siguradong exciting ang kakalabasan nitong mga ito =).

1 comment:

ayo said...

American food for lunch:
pork and beans saka mais (pang american cowboy)