Wednesday, November 24, 2010

Patakaran para sa PB Auction

4 na tulog na lang PB Auction na.  Tignan muli ang picture ng mga items for Auction. I-click lang po ang link
http://pamilyabanal.blogspot.com/p/pb-acution-2010.html

Good news.  May isa pang dagdag sa PB auction.  Brand New Apple iPod Shuffle - new generation.  Kasama na siya sa ating auction




Meron na tayong natanggap na mga bids galing PB abroad.  Thank you po!  Para sa mga mag-bi-bid pa sulat lang kayo.

Sa Nov 28, makikita nyo na ang produkto.  Madali lang naman mag-bid.  At puwedeng humingi ng tulong sa committee para ilagay ang bid ninyo.

SILENT AUCTION AT ALL AUCTION
- Isulat ang bid ninyo sa papel katapat ng produkto
- Magdasal ng taimtim na sa inyo ang pinakamataas na bid
- Pag kayo ang merong pinakamataas na bid, sa inyo na ang produkto.
- Pag all auction, lahat ng nag-big magbabayad ng kanilang binid manalo man o matalo =)

LIVE AUCTION
- Sanay na tayo dito.  Ilalako ng auctioneer ang produkto
- Magsisimula ang presyo sa starting bid ng produkto (ex. iPod = 500 pesos)
- Tataas ang presyo ng produkto hanggang wala ng mag bid
- Ang huling mag-bid ng pinakamataas na presyo, ang mananalo ng produkto

Hay naku, madali lang po at sana masaya.  Comment lang po kayo kung merong questions.

1 comment:

magkiki-auction said...

Wow!!! Sana may magpa auction din ng iPad dyan! :D