Thursday, November 4, 2010

22 Years

Nag-comment si Tita Che-Che na since 1998 pa pala siya nagpapapila.  Nagulat ako dahil 12 years na yon ah!  Grabe ang tagal na. 

Ako naman, next year ang 19th year kong magpapapila.  Bale tumabla na.  Kasi 19 years din akong pumila.  Puwede ng mag-retire sa pagpila....

Until syempre maisip nyo na paano pa kaya sila Tito Par at Tita Ate?  Almost 30 years na sila nagpapapila!!! Grabe naman hahaha.  Di pa ba kayo nagsasawa?

Well, lalo rin pag naisip ninyo ang mga 1G.  Sabi ni Ma, ang pilahan daw ay nag-start nung 1969.  So 40 years na pala ito.  Ibig sabihin 40 years na nagpapapila sila Ditse, Nanay, Lola Tiyang, Tiyong, Lolipot, at Lola Maam.   Hahaha!  Ang tagal na. Kung inipon nila ang mga pera nila at di pinapila - puwede ng pambili ng kotse yun!

2 comments:

Gustong pumila said...

1969? Magkano kaya ang papila nung 1969?

yet said...

Tanda ko, may P1.00 o P5.00, masaya na kami noon. pero hinihintay namin na magpalaro si Auntie. Maingay kami noon, agresibo at banggaan talaga hanggang may masaktan kahit walang premyo. Madadaya kasi ang mga boys, noon pa.Kaya ang palaging sigaw ng mga girls, "Ang daya! Ang daya!Ang daya!". Sila Lollipot ang taga-awat! Sobrang saya!, nakupo! sayang wala pang video nuon...