Tuesday, November 30, 2010

25

Ang dali namang computin...Eh di 25 days na lang before Christmas.  Bukas officially simula na naman ang mga mangangarolling nyan.  Kung traffic na last week, mas lalo pang magiging traffic.  At ang mga tao magtatambakan na naman sa mga malls.

Para sa mga nagtatanong, may trabaho pa po ako bukas =).  So sayang, di pa rin pala ako makakapila.  Exciting talaga this year, kasi at least 3 ang bagong magpapapila:  Karen, Dianne, Carlo.  OK lang pumalag kung ayaw ninyo.  Exciting magpapila sa simula, so sana ma-enjoy naman ninyo ang moment.  Dahil pagtagal, nakaka-umay na hehehe.

Malapit ng umuwi si Tito Boyet.  At malapit na sa Pasko, uuwi na si Ia.  24 kasi siya hehehe.

Anong klaseng games ang gusto ninyo para sa Dec 25?
- Physical
- Nag-iisip
- Talent
- Parang Survivor
- Iyong nakaupo lang

Anong klaseng raffle ang gusto ninyo?
- Maraming mananalo pero konti premyo
- Konti mananalo pero malaki ang premyo

Sa Dec 25, gusto nyo ba iyong
- Hataw buong araw sa activities
- Maraming pahinga at chikahan moments

1 comment:

PB abroad said...

sana meron na games o program na kasali ang PB abroad