Saturday, November 20, 2010

Thou Shalt Not Steal 2

Ang bill ng kuryente sa condo sa Makati ay 1,200 pesos sa isang buwan.  Merong 3 aircon, wi-fi na laging nakasaksak, ref, tv, wii, at electric na kalan.  Syempre may pasok naman maghapon.  Pero magdamag bukas talaga ang aircon.

Nakakagulat ang bill ng kuryente kasi sobrang baba.  Ang alala ko kasi Sa Santan dati ay mga 3,000 ang bill.  One-time kinausap ko ang taga-Meralco.  Ang sabi niya, lagi daw talaga maliit ang electricity bill ng mga asa condo.  Ang dahilan?  direct ang connection, so walang jumpers.  Sabi niya sobrang dami ng mga nagnanakaw ng kuryente.  Madalas kalahati ng isang baranggay ang nakakakabit sa kable ng mga nagbabayad.

Sabi niya, doble ang bayad pangkarinawan dahil sa mga jumpers.  Parang naniniwala na ako.  So alam nyo na gagawin kung gusto niyong mapababa ang inyong electricity bill.

Sasabihin na naman ni Che-Che na dapat libre ang kuryente at komersyalismo ito.  Sige nga ikaw ang magbayad ng kuryente ng kalahating baranggay buwan-buwan.  Hahahaha.

No comments: