Mga Pinoy napapagpalit ang gamit ng Jealousy at Envy. Sa Tagalog kasi magkaiba talaga ang Inggit o Selos, so may pagkakaiba talaga.
Jealousy (Selos) - puwede sa bagay, puwede rin sa tao. Tungkol ito sa pakiramdam mo na mawawala sa iyo ang kung ano ang meron ka at napupunta sa iba. So opkors, bago ka mag-selos dapat sa iyo muna ang bagay o ang tao.
Envy (Inggit) - puwede sa bagay puwede rin sa tao. Tungkol ito sa pakiramdam na gusto mo ang isang bagay o isang tao, pero hindi sa iyo ito, dahil nasa ibang tao na ito.
For example. HINDI ka nag-se-SELOS kung ang crush mo ay may nililigawan na iba. INGGIT iyon. Nag-se-SELOS ka at may umaagaw sa asawa/friend/bf/gf mo. Naiinggit ka dahil ang crush mo ay naging bf/gf na ng classmate mo.
Di ko naman sinabing maINGGIT o mag-SELOS. Bahala na kayo, pero please lang gamitin ng tama =)
No comments:
Post a Comment