Sunday, October 12, 2008

Golden Girl Ate

Mukha nga pala talagang simbahan ang Leslie's. Pero sa labas lang naman, sa loob ay sosyalin din naman, with matching fountain at dramatic stairs.

Hindi dahil kasama kong gumawa ng programme ha, pero nagandahan ako sa party - ayos ang flow, may storya, maigsi lang, at creative. Na-impress ako sa mga picture-videos - di mahaba at kakatuwa. Ganda rin ng props

Tradition na rin ata, so eto ang top 5 memories ng 5oth Birthday Party ni Ate.

5. May kapalit na ko sa hosting? Nagulat pero namangha ang lahat sa pagka-natural ni RapRap sa pag-adlib. OK ang timing. Bilib.

4. Performance Level. Humanga rin ako sa performance ng 1st Generation - cinareer talaga. At kakatawa rin ang ending. Speaking of kakatawa, e purihin din natin ang performance ng 2nd generation - hindi masyado cinareer pero kakatawa pa rin.

'Edet ikaw na bahala sa kulang'. hahaha

3. Di mukhang sobrang thunders si Ate, ano? In fairness, di siya mukhang 50, at di ko sinasabi dahil bday nya. Lalo na ngayon at nagpa-rebond pa ng kulay mais nyang buhok. Wagi!

2. The Scrapbook. Nakita nyo ba? Sobrang ganda, sobrang creative. Personalized, na family-oriented, mahirap i-explain. Product of hardwork. tiyaga at pagka-masining. Iyong tarpaulin din ang ganda di ba? Galing ng idea (ako yon!) at Mahusay ang execution ( sila Tito Jorge yon)

1. 3rd Generation - Mabuhay! Maraming asukal, arnibal, meron ding suka pero walang toyo! From Kat's a cappella, to Rap's and Unyoy's dance number to Carlo's acoustic number at siyempre ang Tell the World. Wow lahat talaga nag-participate at sabay-sabay with matching choreography and blocking pa. Syempre sa hosting at production ng 4K. Salamat Karen, Kevin, Kriza and Katrina.

Memorable talaga itong party na ito. Lahat kasali, at hindi madrama. OK, padala nyo na ang mga pictures ng ma-ipost dito.

Happy Birthday Ate and magkita-kita kayo sa Nov1.

5 comments:

Anonymous said...

happy happy birthday ate. talga ido, c raprap na ang papalit syo? mana pala syo inaanak mo.:)

Anonymous said...

alam na kung sino ang next batch of offices ng pamilya banal.
I nominate the following:

President: Kevin
Vice-president: Kriza or Katrina
Secretary: Kriza or Katrina
Treasurer: eh cyempre si Karen
Host: Raprap

Anonymous said...

from ido:

korek! at hula ko sa pasko e si rap na ang host hehe

Anonymous said...

wow! galing naman ni raprap. i love you nak.

Anonymous said...

wala pa bang pictures?