Ayaw mo naman makasakit ng damdamin kaya ayaw mo siyang i-unfriend. Paano kung malaman niya, e baka may away pang mangyari. Buti na lang, merong feature ang Facebook para sa mga ganitong sitwasyon.
Una, puwede mong piliin ang mga nababasa mong posts gamit ang SUBSCRIBE BUTTON. Asa kanang itaas na bahagi ito ng bawat Wall ng Friend mo. Puwede mo ring makita ito pag itinapat mo ang mouse sa pangalan ng iyong FB Friend.
Ang SUBSCRIBE button ay maaari mong magamit para malimitihan ang mga posts, updates, pictures at activity alerts na nakikita mo. So puwede mo talagang ma-control ang posts ng Friend mo na ayaw mong makita.
Meron ka bang Frenemy (Friend na enemy)? O iyong FB Friend mo na ayaw mong mabasa ang mga updates mo? Puwede itong boss mo na nagawa mong friend, pero ngayon nagsisisi ka kasi di mo ma-upload ang pictures mo sa party. Puwede itong teacher na na-accept mo na friend, pero ayaw mong malaman niya ang mga gimmick mo.
May sagot ang Facebook diyan...Ang "Restricted" list. Puwedeng sabihin na para ito sa mga FB Friends mo na malapit mo ng i-unfriend pero di mo palang magawa ngayon.
Kapag nilagay mo ang isang Friend sa "Restricted List", di na niya makikita ang mga updates at pictures at activities mo. Isa pa, di mo na rin makikita ang mga updates nila.
At ang maganda dito, di nila malalaman na nilagay mo sila sa "Restricted" List. Nice di ba?
At ang OK dito, kapag nagbago ang isip mo, at malay mo balang araw gusto mo na silang gawing "regular" friend. Puwedeng puwede mong gawin iyan. I-alis mo lang sila sa Restricted List at back to normal na kayo. Di nila malalaman ang nangyari at makikita ninyo ulit ang isa't-isa sa mga updates at activities.
So parang nagkabalikan lang kayo. Good luck and enjoy FB!
So parang nagkabalikan lang kayo. Good luck and enjoy FB!
No comments:
Post a Comment