For the first time, mas marami pala ang Papapila vs Pipila ano? Meron kasing 3 bagong papapila this year, which obviously pumila last year.
Very interesting development ito. Ibig sabihin, unti-unti ng gruma-graduate at nagkakatrabaho ang mga 3G. Ang saya naman.
Ewan kung ano ang magiging desisyon ng bagong PB President tungkol sa mga Open Questions: sali ba sa pilahan ang mga PB abroad? Ang mga unique and special cases nila Kriza, Kevin at Tit Che-Che? Ang walang trabahong 1G or 2G? Ngapala, paano pala ang mga 1G na walang source of income? Sali ba sila? For example, Ditse has source of income which are rentals? Tiyong, Tiyang, Lola Maam, merong mga pensyon. Pero Lolipot and Nanay, wala silang pensions e. Papapila ba sila?
I mean, lahat ng gustong magpapila ay welcome gawin iyon. Alangan naman pong tumanggi ang mga pumipila sa grasya di ba hehe. Pero I think, igalang na lang natin ang mga ayaw magpapila, maski asa listahan sila. Sabi nga ni Tita Yet, baka may pinagdaraanan lang sila =).
Sobrang kritikal na desiyon pala ang naghihintay sa PB President. Di pa sya umuupo, e meron ng kelangang desisyonan.
Ngayon pa lang dapat ng magsimulang magpakabait at sumipsip ng mga 3G at 4G na pipila. At mag-ingat sa ihahalal na Presidente (7 days na lang pala yan!) Paano kung gawin niyang Presidential Decree #1 - Walang Pilahan. Anong gagawin niyo? WEK WEK WEK WEK.
Yes, tradisyon na ng PB ang Pilahan. Ayon sa pagsasaliksik, nagsimula ito nung 1969 nung namirmi na ang PB sa Santan - grabe lagpas 40 years na pala ito. Pero tulad ng anumang tradisyon puwedeng mabago,(pagboto vs, pag-appoint ng PB Presidente) o talagang mawala. Example, PB Tradisyon ang pagbabasa ng Pasyon pag mahal na araw - galing pang Nueva Ecija yan hanggang Santan - umabot yan ng 50 years++.
Ang tanong, nagbasa ba ng Pasyon sa PB this year?
Pangalawa, PRUSISYON. Tradisyon ng PB na sumama sa mga prusisyon na yan. Sa ngayon, si Tita Edith na lang ata sumama jan e. Baka sya lang dapat ang papilahin hehehe.
So huwag kampante na merong Pilahan every year. Posibleng mawala yan. Tandaan, for the first time, MINORITY na kayo ngayon! MWA HAHAHA. Mas konti na kayo. Kung ako sa inyo, magpakabait na kayo at sobrang sumisipsip ngayon pa lang at lalung-lalo na sa Nov 1. Siguraduhin ninyo ring pumunta kayo. Dahil kung sakaling magbotohan, patay! kelangan nyo lahat ng boto.
In summary, good luck sa mga pipila this year. Actually, good luck kung yan pa ang tawag sa inyo. BWA HA HA HA.
kelangan pang takutin para umattend ng meeting hehe.
12 comments:
Eh hindi naman yata nagb blog ang mga 3G na yan
Dapat mapagbigay sa pasko, di ba nga, "Give love on Christmas Day"
So magmahalan tayo, di bale nang walang pila.. mwahaha
sa tingin ko, dapat nga 3G na pipili ang maging president para sure matuloy ang pilahan at and the best for president eh si KRIZA...hehehe...
agree din ako kay Give love on Xmas Day...hehehe
at nagtatanong, masasabi ko lang eh sa mga 3G na hindi ngbloblog eh its time na sa kanila na magblog...hehehe
Pag sinama pala pati abroad, lalo ng dadami ang magpapapila:
Papila: Evot, Cha, Tita CheChe, Tita Tetes, Popoy
Pipila: MM, Alex, Ia
Puwede na talagang itigil yan. hahaha. Pag ako nabotong Presidente - alam ko na una kong Presidential Decree
aatend ako sa nov. 1 , as a botante , not as an officer, sakit sa ulo nyan di pa man na nalukluk may problema ha ha ha
at botante, sino naman ang iboboto mo? vote for Kriza huh...hehehe...
Vote for botante!!!(ehehe)
hahaha. I second the motion. Iboto si botante.
agree ako kay "nagtatanong lang" para ngang hindi nagbablog ang mga 3g kc puro facebook lang sila...so hindi nga cguro cla concerned kung may pilahan man o wala.
kahit naman magattend cla ng meeting d naman gaano nagpaparticipate pipilitin mo pa magsilabas!
tama ba obserbasyon ko evot?
kaya "give love na lang nga" he he he...
tito ido bakit mo sinama c tita che sa magpapapila na taga abroad? kala ko ba estudyante p siya "matanda" nga lang?
dapat yata bigyan ng papel ang mga 3g this coming election ! para mag participate ,
ano mas effective ? pres. 2g rest of officers 3g ,or 3g pres. rest of officers 2g .
Post a Comment