Oh no, ang dami palang PB na merong sakit. Alam na natin na si Joshua ay kalalabas lang sa hospital dahil sa Dengue. Buti OK siya. Tapos marami pala ang taga-Santan na merong SORE EYES. Ang balita, ang wala lang sore eyes ay si Lola Nanay, Lolo Tiyong, Tita Yet, Tito Ayo at Chanel. Well, tapos na rin kasi ang sore eyes nila TIto Par and Kevin, pero imagine everyone else in Santan has sore eyes. Ang dami nun!
So di ko sure kung marami ang makakapunta bukas. Tinext ko si Tito Jim, at syempre raw para kay Tita Edith pupunta siya, maski kalalabas lang ng hospital ni Joshua. Si Tita Ate naman, maski raw mapulang-mapula ang mga mata nya e pupunta rin daw siya, para kay Tita Edith.
Naku, naisip ko rin. Kasi nga po ako mataas talaga ang lagnat ko kelan lang - umabot ng 40 Celsius at di talaga bumababa. Trangkaso na merong malalang ubo. Makakapunta ba talaga ako?
Naisip ko lang, nung kelangan ko ba ng tulong, e di tumulong si Tita Edith dahil may sakit siya? Pag pumipila tayo kay Tita Edith o naghihintay ng raffle niya, sigurado ba tayong wala siyang sakit nun? Tingin ko maski matamlay siya at may sakit, magpapa-raffle pa rin siya. At maski may lakad siya i-po-postpone niya para tulungan tayo.
So tulad ni Tito Jim at Tita Ate, pupunta na rin ako sa 10.10.10 party ni Tita Edith. Trangkaso lang yan, at ano ba naman kung 40 ang lagnat ko. Kung marami na rin sa atin ang may sakit, e di OK lang, wala ng mahahawa.
Saka baka may raffle nga e hehehe.
Kayo pupunta kayo? =).
1 comment:
aatend ako ngayon , kahit maglakad o harangan man ng sibat , lalo pag may raffle , si edet pa !
BE HAPPY !!!
ido may naisip ka na ba kung ano ireregalo , para mapasaya sya ?
Post a Comment