2 months after, sikat pa rin ang "Major-Major" galing Ms. Universe. Pero di naman talaga kakaiba iyon dahil ang mga Pinoy's mahilig talaga sa pag-ulit ng mga salita.
- PICTURE-PICTURE
Di ko rin alam kung bakit kelangan pang uliting. Puwede naman kasing: "Uuuuy, game PICTURE". Pero ewan kelangan talga ulitin
- PA-KAPE-KAPE
Pang nag-re-relax ang isang tao di lang siya nag-ka-kape. Siya ay PA-KAPE-KAPE
- PASYAL-PASYAL
Hindi pa ba sapat ang PASYAL? kelangan talagang ulitin ano, baka for emphasis. Parehas din ito ng CHIKA-CHIKA, UKAY-UKAY,
- IHAW-IHAW
Pag ihaw ata kasi ang barbecue ang asa lamesa, pag ihaw-ihaw iba ang ka-table =).
Di ko pa ma-aral kung bakit nga ganito ang ating wika natin. Di pa natin napapagusapan ang mga mas pangkaraniwang salita: dibdib, singsing, dingding, sawsaw, baybay, buto-buto, kili-kili, bitbit, sapsap, laklak.
Di kaya dahil nakasanayan na e ginagawa lang nating doble ang mga salita? Actually wala namang masama, interesting nga e.
No comments:
Post a Comment